CHAPTER: 14 (FraGer's Targets)

40.8K 1.6K 465
                                    

NATIGIL ang paglilinis ni Cailey ng kanyang baril nang biglang tumunog ang doorbell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NATIGIL ang paglilinis ni Cailey ng kanyang baril nang biglang tumunog ang doorbell. Agad niyang binitawan yung baril at tinungo ang pintuan. Nagpalinga-linga agad siya sa paligid nang makita niya sa harapan ng pintuan ang isang bouquet of red roses.

Dinampot ni Cailey yung bouquet. Agad niyang binuksan yung card na nandoon para alamin kung para kanino at kung kanino iyon galing. Napataas agad ang kanan niyang kilay nang mabasa niya iyon.

To: MCL
Hi gorgeous.

Sa card pa rin nakatingin si Cailey habang isinasara niya yung pintuan. Iginilid niya ang kanyang mga mata habang iniisip kung kanino galing ang hawak niyang bouqet.

"Lili, sino yung dumating?"

Habang palapit ay nagpupunas ng pawis si Cailah. May hawak itong dalawang arnis sa kaliwa nitong kamay. Nang makita nito ang hawak ni Cailey ay natigilan ito.

"Ano 'yan?" tanong ni Cailah.

"Shunga lang?" panggagaya ni Cailey sa paboritong ekspresyon ni Cailah. "Hindi ba obvious na bulaklak 'tong hawak ko?"

"Hello? What I mean is, kanino galing 'yan?"

Nagkibit-balikat si Cailey. "Malay ko. Walang nakalagay e."

"May i see the look," ani Cailah. Isinandal muna nito ang dalang arnis at tuluyang lumapit kay Cailey.

"Para sa'yo yata 'to," sambit ni Cailey. Bago pa tuluyang makalapit si Cailah ay ipinasalo niya yung bulaklak.

"At paano naman naging para sa akin?" tanong ni Cailah.

"To MCL daw e."

Bumalik na si Cailey sa pag-upo sa sofa at muling dinampot ang nililinis niyang baril. Binuklat ni Cailah yung card sa bouqet at gaya ng naging ekspresyon kanina ni Cailey ay napataas din ang kilay nito.

"Alam mo sis, shunga ka talaga." Ibinaba ni Cailah yung bouqet sa tapat ni Cailey. "I'm not the only MCL here."

"I know, Lala." Inilayo ni Cailey yung bouqet. "But I'm pretty sure that it's not mine."

Sabay silang napalinga sa pintuan nang may magpatunog ulit ng doorbell. Dahil si Cailah na ang nakatayo ay ito na ang tumungo sa pinto para tignan kung sino ang nasa labas. Sumilip muna ito sa peephole bago nito iyon binuksan.

Another one?

Dinampot ni Cailah yung bouqet. Sa pagkakataong iyon ay kulay puti naman ang kulay nung rosas. Isinara nito yung pintuan at nagbalik sa direksyon kung nasaan ang kapatid na si Cailey.

Napaangat ang mukha ni Cailey nang makabalik na si Cailah. Ibinaba nito ang bagong dalang bouqet of white roses sa kanyang tapat. Itinabi nito iyon doon sa naunang bouqet.

"Ilan ba ang manliligaw mo? Balak ba nilang punuin ng roses 'tong bahay natin?" ani Cailey habang nakatingin sa magkatabing bouqet.

"Tignan mo kaya muna yung card bago mo sabihing akin nga 'yan."

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon