Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"PWEDE ba, 'wag kang malikot!"
Naisampal ni Check ang hawak niyang bulak na may gamot sa namamagang pisngi ni Zandler. Napangiwi ito sabay sapo doon.
Matapos bumili ng mga kailangan ay nagpunta silang dalawa sa Central Parish, doon sa puno na pinagpapahingahan ni Zandler.
"Ano ba?!" asar na sambit ni Zandler.
"Parang nambi-bwiset ka pa kasi e! Ang likot-likot mo!"
Pinisil-pisil ni Zandler ang pisngi nito. "Malikot na ba 'yon? E sa inaantok ako e!
Inirapan ni Check si Zandler. Tangkang aalis na siya nang marahas nitong hinablot ang kanyang kamay para muli siyang iupo. Mabilis niyang inayos ang suot niyang palda nang lumilis iyon.
Kinuha ni Zandler yung bulak at gamot at ipinatong iyon sa kandungan ni Check. "Tapusin mo muna ang paggamot sa akin bago mo ako layasan."
Inis na kumurot ng bulak si Check at nilagyan iyon ng gamot. "Kung gusto mong matapos tayo, tumingin ka lang ng diretso!"
"Okay."
Inangat ni Zandler ang mukha nito. Gaya ng inutos ni Check ay tumingin lang ito ng diretso. Halos hindi na ito pumipikit habang nakatingin sa kanyang mukha. Sa ganoong sitwasyon ay malaya niyang napahiran ng gamot ang parte ng mukha nito na may mga sugat.
"Sa susunod ako na lang ang bayaran mo. Hindi lang pasa at sugat ang ibibigay ko sa'yo, babalian pa kita ng buto."
Nayamot si Check dahil wala siyang nakuhang reaksiyon mula kay Zandler. Nakatingin lang ito sa kanya habang nilalagyan niya ng gasa ang kaliwang parte ng noo nito. Bahagya niyang tiniinan iyon pero blankong mukha pa rin ang nakita niya dito.
"Hoy! Akala mo ba hindi ko kayang gawin 'yon? Tss! Kaya talaga kitang ibalibag at balian ng buto," ani Check at saka itinaas sa isang sulok ang kanyang labi.
"Hindi sinasabi 'yan, ginagawa."
Pinagsingkitan ng mga mata ni Check si Zandler. "Gusto mo talaga ng sakit ng katawan."
Umismid si Zandler. "Wala ng dating sa akin ang sakit dahil sanay na akong masaktan."
"Wow! Hugot ka tsong?"
Hindi pinansin ni Zandler si Check. Inirapan na lang niya ito at inayos ang first aid na kanyang ginamit. Mayamaya lang ay dinukot nito ang pakete ng sigarilyo sa likurang bulsa nito. Kumuha doon ng isa at saka sinindihan iyon.
Mabilis na kinuha ni Check yung sigarilyo sa bibig ni Zandler bago pa nito mahithit iyon. Itinapon niya iyon sa kanilang tapat at saka inabot ng kanyang paa para patayin ang sindi noon. Paglinga niya kay Zandler ay nakita niya ang masamang tingin nito sa kanya.
"Ang lakas mo talagang makialam."
"Wala ka bang pagmamahal sa buhay mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Check.