"DAPAT pala lagyan na rin natin ng tracker ang mga girlfriends natin!"
Sa narinig na sinabi ni Jam ay lalong tumaas ang pag-aalala ni Xyro para sa girlfriend na si Rue. Habang nasa byahe at nagmamaneho sa kanyang motorbike ay hindi ito tumitigil sa pagtawag kay Rue. Nagbabakasakali ito na baka may magbukas ng cellphone ni Rue na kasalukuyang hawak ngayon ni Aaron.
Nasa unahan si Xyro. Kadikit nito ang magkapatid na sina Bright at Yohan. Kahit may hawak na cellphone ay mabilis pa rin ang pagpapatakbo nito. Malalim na ang gabi at mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan sa daan.
Dahil sarado na at walang tao sa Pup Touch Clinic ay inalam ni Xyro sa mga pulis kung saan makikita ang bahay ni Aaron. Ito na mismo ang nagdesisyon na sumunod papunta doon.
"Watch out!" sigaw ni Bright.
Hindi nagawang ihinto ni Xyro ang kanyang motorbike nang marating nila ang isang intersection. Sumalpok ito sa isang puting kotse. Nadaganan ito nang tumumba ang kanyang motorbike.
Nagmadaling bumaba ng kani-kanilang motorbike ang lahat. Inangat nila ang motorbike ni Xyro para tulungan itong makaalis. Nang makatayo ay galit na sinugod nito ang kabababa lang na driver nung kotse para suntukin.
"Easy Bro!" ani Bogz na iniharang ang sarili doon sa driver para protektahan iyon kay Xyro.
"Kalma," sambit ni Gavin na nakikapit na rin kay Xyro.
"G*go ka ha! Ikaw na ang nakaperwisyo ikaw pa 'tong matapang!" galit na sigaw nung driver nung kotse habang nakasapo sa tinamaang pisngi nito.
Dahil tuliro at tila wala sa sarili ay nagtangka pang sugurin ni Xyro yung lalaki. Hinuli ni Yohan ang kamao nito at saka ibinaba iyon.
"Stop," malumanay na usal ni Yohan. "It won't help to solve your problem."
Lumayo na si Xyro at pinagpag ang magkabilang siko nito. Inis na kinuha nito ang kanyang cellphone na iniaabot ni Jaxx.
"Teka hoy!" Nakaturo kay Xyro yung lalaki. "Ano ganoon na lang 'yon? Pagkatapos mo akong banggain at upakan, lalayasan mo lang ako?!"
Nagtinginan ang PRIME at sinenyasan nila si Bogz na ito na ang kumausap doon sa lalaki. Mayabang na hinarap naman ni Bogz yung lalaki at saka tinignan ang naging tama ng sasakyan nito. Tanging maliit na yupi lang ang naging resulta ng pagbangga ng motorbike ni Xyro doon sa kotse nung lalaki.
Parang baliw na tumawa ng malakas si Bogz na tila nang-aasar pa. "Nanggagalaiti ka, e ang liit naman ng naging tama. Hindi bale sana kung high end 'yang kotse mo, e bulok naman e... parang 'yang ngipin mo sa harap."
Nagtiim ang bagang nung lalaki. "Tarantadong 'to ah!" Kinuha nito ang cellphone nito sa bulsa. "Ipapupulis ko 'yang kasama n'yo!"
Pagkadikit nung lalaki nung cellphone sa tenga nito ay isinampal ni Bogz ang business card niya sa pisngi nito. Kinuha iyon nung lalaki at saka tinignan.