CHAPTER: 46 (Hurts Like Hell)

41.7K 1.6K 622
                                    

"ARE you okay?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ARE you okay?"

Agad na nilinga ni Check si Zandler. Ngumiti ito at saka tumango bilang tugon sa kanyang tanong. Inilahad niya ang kanyang kamay at nakangiting inabot nito iyon. Sumakay na sila sa Pirate Ship at piniling maupo sa bandang dulo.

Alam ni Zandler na sa kabilang dulo nung Pirate Ship ay mag-isang sumakay si Bright. Iniwan nito si Leonah na kasalukuyang pinapakain si Luke. Hindi napansin ni Check ang pagsakay nito at wala siyang balak na ipaalam dito iyon dahil alam niyang magdudulot lang iyon ng pagka-ilang.

"Are you afraid of heights?"

Nilinga ni Check si Zandler. "H-Heights? Ah... hmm, hindi," tugon nito kahit na biglang pumasok sa isipan nito na maka-ilang beses na ring nanganib ang buhay nito sa matataas na lugar.

"Are you sure?" pagkukumpirma ni Zandler.

"Sureness," sagot ni Check at saka saglit na sumilip sa ibaba. "Hindi naman 'to gano'n kataas."

Mayamaya lang ay nagsimula ng dumuyan ng dahan-dahan yung Pirate Ship. Sinulyapan ni Zandler si Bright at nakita niya ang seryosong pagtitig nito kay Check.

Napansin ni Zandler na habang unti-unting silang tumataas ay lalong humihigpit ang kapit ni Check doon sa bar. Hindi man ito sumisigaw gaya ng ilang nakasakay ay alam niyang nakakaramdam ito ngayon ng kaba. Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kamay nito. Nagtagal lang iyon ng ilang segundo dahil ibinitaw nito iyon at saka ipinulupot sa kanyang braso.

"Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Zandler.

Tumango lang si Check bilang pagtugon. Humigpit ang kapit nito sa braso niya nang tumaas pa yung Pirate Ship. Pagtingin niya dito ay nakita niyang nakapikit na ang mga mata nito.

Ngumiti ng maliit si Zandler. You're not okay.

Gamit ang kanyang kanang kamay ay hinawakan niya ang ulo ni Check at iginiya patungo sa kanyang balikat. Hindi ito nagreklamo o kumilos man lang kaya naisip niya na nakatulong ang kanyang ginawa.

Mula sa pagtingin kay Check ay inilipat niya ang kanyang mga mata kay Bright. Kahit malayo ang kanilang distansiya ay alam niyang matalim ang tingin nito sa kanya. Tinapatan niya ang tingin na iyon.

I know how you feel right now. I'm not doing this to hurt you. I'm doing this for her... and for myself.

Nang maramdaman ni Check na mababa at banayad na ang ugoy nung Pirate Ship ay dumilat na ito. Dahan-dahan na rin itong umalis sa pagkakasubsob sa balikat ni Zandler. Nahihiyang tinignan siya nito at sinalubong niya iyon ng pagngiti.

"Hindi ka nga takot," pang-aasar ni Zandler.

Inalis ni Check ang nakapulupot nitong kamay sa braso ni Zandler. "Luh! Hindi naman talaga 'no!"

Pagkababa nila ay sinubukang hagilapin ng mga mata ni Zandler si Bright pero hindi na niya ito makita. Maging si Leonah at Luke ay hindi na rin niya makita sa puwesto ng mga ito kanina.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon