CHAPTER: 52 (The Only Girl)

41.3K 1.5K 758
                                        

TAHIMIK na nakikinig si Check sa Pari habang dinadasalan nito ang huling hantungan ni Zandler

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TAHIMIK na nakikinig si Check sa Pari habang dinadasalan nito ang huling hantungan ni Zandler. Kahit paano ay may saya sa kanyang puso dahil pinagbigyan ni Leticia ang hiling ni Zandler na kung ito ay babawian ng buhay ay sa Sunny Hill ilibing ang labi nito. Sa pagpapauba nitong iyon ay maaari niyang mabisita ang puntod ni Zandler ano mang oras niya gusto.

Akala ni Check ay nakahugot siya ng katatagan ng loob dahil mula pa kanina ay hindi siya umiiyak, ngunit nang makita niya na ibinababa na sa hukay ang labi ni Zandler ay bigla na lang nag-unahang tumulo ang kanyang mga luha. Rinig niya ang biglang paglakas ng iyak ni Leticia na lalo pang nakapagpasikip ng dibdib niya.

Humigpit ang hawak niya sa bulaklak na kailangan niyang ihagis. Naramdaman niya ang paghawak ng isang kamay sa kanyang kanang balikat. Luminga siya at nakita niya ang pagtango ng inang si Cynthia. Katabi nito ang nakayuko lang na si Xyro at ang buong PRIME.

Sabay na lumapit sina Check at Bright doon sa hukay. Lingid sa kaalam ni Check ay pasimple siyang nilinga nito. Nakita nito ang paghalik niya doon sa bulaklak bago niya iyon inihagis. Kakausapin sana siya nito pero biglang gumitna ang naghagis rin ng bulaklak na si Leonah. Walang nagawa si Bright kundi ang sundan na lang ng tingin ang pag-alis niya.

"Mamoosh," salubong na sambit ni Check habang siya ay lumuluha. Niyakap niya ang ina at sa balikat nito umiyak.

"It's okay Dear. Iiyak mo lang," ani Cynthia habang tinatapik-tapik ang likod ni Check. "Nasa heaven na si Zandler. Hindi na siya naghihirap."

Tumango-tango siya habang iniimpit ang kanyang pag-iyak. "Magkikita na po sila ni Zandy."

Unti-unti ng nag-alisan ang ilang mga nakilibing. Nagpaalam na rin kay Check ang PRIME na bakas sa mga mukha ang labis na kalungkutan. Sinabi niya kay Cynthia na gusto muna niyang magpalipas ng oras sa puntod ni Zandler at pinayagan naman siya nito.

Bukod kayna Leticia at Nicolas ay napansin ni Check ang pananatili pa ni Brenda. Gaya niya ay mugto na rin ang mga mata nito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay niyukuan niya ito bilang pagbati. Pagtingin niya muli rito ay tumalikod na ito at naglakad na kasabay ng nakaabang na si Yohan.

Nagpunas si Check ng kanyang luha. Huwag kang mag-alala Kuto, dadalaw-dalawin kita. Pangako 'yan.

Natigilan si Check nang mapansin niya ang palapit sa kanya na si Leonah. Gusto pa sana niyang magtagal pero dahil sa kagustuhan niyang malayo sa gulo ay nagsimula na siyang maglakad paalis. Narinig niya ang pagtawag ni Leonah sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Hey!" tawag ni Leonah kay Check.

Nagbingi-bingihan si Check at lalo pa niyang binilisan ang kanyang paglalakad. Mayamaya lang ay naramdaman niya ang paghawak ni Leonah sa kanyang siko at hinila siya pabalik. Pagharap niya ay nakita niya agad ang mapanuya nitong ngiti.

"Anong kailangan mo?" malumanay na tanong ni Check.

"I just want to invite you personally. Next week kasi birthday ko na and then celebration na rin para sa success nung movie ko," maarteng sabi ni Leonah habang nakapamaywang ito. "So parang 2 in 1 celebration... no, 3 in 1 pala, kasi feeling ko i-a-announce na rin ni Mommy Brenda yung tungkol sa pagpapakasal namin ni Bright."

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon