"NO, this is not true."
Napatayo si Bright. Nagpalakad-lakad siya na tila hindi malaman kung ano ang gagawin. Dahil doon ay sumilay naman ang isang ngiti sa labi ni Leonah. Hindi na ito nagtanong pa kung ano ang resulta ng DNA test dahil nakuha na nito ang sagot sa reaksiyon ni Bright.
"I'm sorry Sir Bright... Luke is your son."
Sa narinig na sinabi ni Dr.Walter ay biglang napasugod si Bright. Binitawan niya ang hawak na DNA result at nalaglag iyon sa sahig. Hinapit niya si Dr.Walter sa kwelyuhan at saka hinigit palapit. Bakas sa mukha ni Bright ang labis na galit.
"How did it f*cking happen?!" malakas na sigaw ni Bright kay Dr.Walter. "Nagkamali ka lang 'di ba? Sabihin mong nagkamali ka lang!"
"It happened because we did—"
"Shut up!" baling ni Bright kay Leonah. "Shut the f*ck up!" ulit niya.
"I'm sorry," mahinang sambit ni Dr.Walter habang nakatingin kay Bright.
Dahil hindi makapag-isip ng tama ay naupakan na lang bigla ni Bright si Dr.Walter na ikinatumba pa nito. Mabilis na lumapit sina Frank at Roger para awatin siya nang tangkain niyang lapitan ulit ang doctor.
"Master," awat ni Frank na gaya ni Roger ay nakakapit sa balikat at braso ni Bright.
Napahawak sa labi nito si Dr.Walter. Kinapa nito ang pumutok na labi na kasalukuyang may umaagos ng dugo. Nagmagandang loob si Leonah, mabilis nitong kinuha ang panyo nito at ipinagamit iyon kay Dr.Walter.
"Why don't you just accept it?" ani Leonah sa seryosong tono. "May anak ka na Bright... may anak na tayo."
"No," mariing sambit ni Bright.
"Yes, Bright." Tila nang-aasar na sabi ni Leonah. "Luke is your son... Luke is our son."
Lalong bumigat ang dibdib ni Bright. Nagtiim ang kanyang bagang at nangalit ang kanyang mga ngipin. Nang makita ang tangkang paglapit sa kanya ni Leonah ay isinenyas niya ang kanyang kamay.
"Leave now!"
"We still have to talk!" tugon ni Leonah.
"Don't you f*cking hear me? I said, leave now!" muling sigaw ni Bright.
"But—"
"Leave!"
Napaatras si Leonah. Dinampot nito ang bag nito sa sofa. Muli nitong tinignan si Bright ng may inis sa mga mata. Maarteng hinawi ni Leonah ang buhok nito at saka ito tumalikod.
"I'm sorry Doctor, but you also need to leave." Pinilit ni Bright na pakalmahin ang kanyang boses.
"I understand," nakangiwing sagot ni Dr.Walter.
"Sorry for what happened," paghingi ng paumanhin ni Bright sa nagawa niya kay Dr.Walter.
Isang pagtango lang ang isinagot ni Dr.Walter. Dinampot na nito ang attached case sa table. Umalis na rin ito habang sapo pa rin ng isang kamay ang kaliwang panga nito.