CHAPTER: 31 (Lovesick)

42.1K 1.7K 689
                                    

INIWAS ni Check ang kanyang tingin nang siya ay makabalik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INIWAS ni Check ang kanyang tingin nang siya ay makabalik. Pinapalitan ngayon ni Xyro ng damit si Bright. Para mas maginhawahan ay ternong asul na pantulog nito ang napili nitong isuot sa may lagnat na kaibigan. Nakita ni Check na nililinga pa siya ni Xyro para siguraduhin na hindi siya tumitingin.

Luh! Akala mo naman pagnanasaan ko 'yan. Hindi uy! Parang kidlat na sinubukang sulyapan sa gilid ng mga mata ni Check si Bright.

Ibinaba ni Check sa side table ang pinakuha sa kanya ni Xyro na maligamgam na tubig. "Kuya, dalhin na lang kaya natin siya sa ospital?"

"No need to do that. Bababa rin ang lagnat niya," ani Xyro habang dinadagdagan ang unan ni Bright. "And besides, hindi naman papayag 'to na magpadala doon."

"Ang tigas naman kasi ng mukha," bulong ni Check.

"Well, that's him. Wala tayong magagawa."

Pinakatitigan ni Check si Bright habang nakatayo siya sa gilid ng kama. Kasalukuyan itong nanginginig habang may pasulpot-sulpot na malalim na paghinga. Sinimulan na itong punasan ni Xyro ng maligamgam na tubig.

"I forgot the socks," biglang sambit ni Xyro. Nilinga nito si Check. "Kumuha ka sa room ko."

"Luh! Pahirap ka naman Kuya. Hindi mo pa sinabay kanina. Nahihilo na kaya ako sa antok," reklamo ni Check.

"Batukan kaya kita?" nakataas ang dalawang kilay na sabi ni Xyro. "Kasalanan mo rin naman. Kung hinarap mo siya agad edi sana nakatulog ka at malamang hindi rin ito nagkaganito. Tsk! Parehas lang kayong matigas ang mukha eh."

Ngumuso si Check. "Oo na! Kukuha na nga po."

Naglakad si Check papunta sa kanyang cabinet at kumuha doon ng isang pares na medyas. Inihagis niya iyon sa kama at saka siya humalukipkip. Dinampot ni Xyro yung medyas at saka siya nilinga.

"What is this?" ani Xyro habang nakatingin sa stripes na medyas ni Check na ang kulay ay powder blue at pink.

"Luh! Medyas 'yan Kuya... medyas! In english socks!"

Napahawak sa kanyang sintido si Xyro. "Alam kong medyas 'to! What I mean is, bakit ito?" Ibinaba nito yung medyas at saka nagkamot ng ulo. "Baka nga hindi pa magkasya 'yan sa liit."

"Ler? Stretchable 'yan Kuya," sagot ni Check habang nakaturo sa kanyang medyas. "S, t, r, e... c, h, a... b, l, e... stretchable," pag-i-spell pa niya na nahinto pa dahil sa hindi siya sigurado.

"Kulang ng isang T."

Sumimangot si Check. "Dalawang T ba 'yon? Oh siya edi... s, t, t, r, e, c, h, a, b, l, e.... stretchable! Oh masaya ka na?"

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon