CHAPTER: 34 (The Third Guy)

38.6K 1.6K 263
                                    

"EXCUSE me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"EXCUSE me."

Ngumisi si Check matapos magpakawala ng malakas na pagdighay. Hindi siya nakaligtas nang bigla siyang karutin sa tagiliran ni Cynthia na nakapagpatayo sa kanya.

"Hanggang ngayon wala ka pa ring good manners," ani Cynthia na sinubukan pang abutin si Check para umulit pa ng kurot.

"May right contract naman ako, Mamoosh."

Muntik ng maibuga ni Zandler ang ininom na juice. Nilinga nito si Check at saka ito nagpigil ng ngiti. Hiningan ito ni Cynthia ng pasensiya at saka nito pinagsabihan ulit si Check.

"Luh! Nag-excuse naman ako," pangangatwiran ni Check.

"You know what dear? I really want to check your Kuya if he's okay," ani Cynthia sabay senyas sa mga katulong na ligpitin na ang mga pinagkainan nila. "Bigla akong naawa sa Kuya mo. Dapat yata regular niyang i-check ang BP niya."

Lumabi si Check. "Kailangan po ba n'yang gawin 'yon?"

"Living with someone like you..." hindi itinuloy ni Zandler ang sasabihin. Nilinga nito si Cynthia at sabay silang dalawa na tumingin kay Check.

"Dear, sana hindi mo pa nasasaid ang utak ng Kuya mo," seryosong sabi ni Cynthia.

"Grabe ka naman sa akin, Mamoosh!" sabi ni Check nang maintindihan niya ang nais iparating ng ina.

Parang magkaibigan lang na nagkulitan sina Cynthia at Check. Naghabulan sila paikot sa apat na kanto nung mesa. Si Zandler na nakaupo lang ay hindi pinapahalatang naaaliw ito sa nakikita.

"Well atleast, mukha naman pong nakakabawi siya by means of putting a smile on someone's face."

Natigil ang kulitan nina Check at Cynthia sa biglang sinabi ni Zandler. Mabilis nitong dinampot ang iniinom na juice at inubos ang laban noon at saka ito ngumiti.

"What I mean is... yung Kuya niya, napapangiti rin naman niya siguro 'yon dahil sa kakulitan niya," dugtong ni Zandler sa sinabi nito.

"Ako makulit?" Umirap si Check.

"HINDI BA?" sabay na tanong nina Zandler at Cynthia.

Ipinaglipat-lipat ni Check ang tingin kayna Zandler at Cynthia. "Edi wow! Kayo na close. Pagtulungan n'yo pa ako."

Inakbayan ni Cynthia si Zandler. "Sige na maiwan ko muna kayo para maging close rin kayo."

Naningkit ang mga mata ni Check. "Mamoosh!"

"Kailangan kong tawagan ang Papoosh mo," dahilan ni Cynthia na may kasamang kindat. "Maliligo din ako para presko sa pagtulog mamaya," dugtong nito.

Iniwan na nga ni Cynthia sina Check at Zandler. Nagkaroon ng katahimikan dahil kapwa wala namang maisip na mapag-uusapan ang dalawa. Mayamaya lang ay nilinga ni Check si Zandler nang bigla itong tumayo.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon