CHAPTER: 32 (Letting Go)

40.2K 1.6K 610
                                    

"NASISIRAAN ka na talaga!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NASISIRAAN ka na talaga!"

"Yeah right, matagal na," sagot ni Bright habang sumusunod sa umiiwas na si Check.

"Isa! Dalawa!" bilang ni Check habang nakaturo kay Bright. "Huwag ka ngang lumapit! Sisipain kita," pagbabanta nito.

"Okay lang," simpleng tugon ni Bright sabay hakbang palapit.

Ngumuso si Check. "Anong okay lang?" Pumorma ito ng fighting position. "May lagnat ka 'di ba? Gusto mo pang magkaroon ng sakit ng katawan?"

Tumango si Bright. "Okay lang."

"Siraulo talaga," mahinang sambit ni Check. Nagpalinga-linga ito sa kanan at kaliwa dahil hindi malaman kung saan ito pupunta.

Inilahad ni Bright ang kanyang kamay. "Stop playing. I feel dizzy and I know you are too."

Tinignan lang ni Check ang kamay ni Bright. "Mali 'to eh. Hindi ako dapat nandito. Pauwiin mo na ako."

"Uuwi ka kapag nakapagpahinga ka na at nakausap na natin si Mom."

Napatili si Check nang bigla na lang niya itong binuhat at isinampay sa kanyang balikat. Tinungo niya ang napakalaki niyang kama at saka pahagis na ibinaba ito doon. Bumangon si Check pero mabilis niya itong napigilan at inihiga itong muli.

"Please, 'wag mo na akong pahirapan. All I want now is to see you sleep beside me." Nahiga na rin si Bright sa kama. "Matutulog din ako."

"Baka kung ano ang isipin—"

"Don't mind them," singit ni Bright at saka siya pumikit. "Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin. I don't f*cking care."

Kahit malayo naman ang distansiya ni Bright ay bahagya pa ring umusog palayo si Check. Mabilis nitong tinakpan ang bibig dahil alam nitong mahihikab ito. Dahil sa sobrang anok, kahit anong pigil nito ay may lumabas pa ring tunog sa paghikab nito.

Dumilat si Bright at tinignan si Check. "Huwag mo ng pigilan, matulog ka na."

Nagkaroon ng katahimikan. Kapwa nakadilat lang silang dalawa at pigil na pigil ang paggalaw. Dahil iwas na makitang nakatingin siya ay naghanap si Bright ng paraan para masulyapan si Check. Mula sa sa isang display na gawa sa salamin na nandoon sa side table ay sinipat niya si Check. Napangiti siya nang makitang pipikit-pikit na ito.

How can you look stupid and cute at the same time?

Ilang saglit lang ay tuluyan ng napapikit si Check. Dahan-dahang umurong si Bright at saka tumagilid ng higa. Ngumiti siya dahil malaya niya ngayong natititigan ang mukha ng babaeng minamahal.

 Ngumiti siya dahil malaya niya ngayong natititigan ang mukha ng babaeng minamahal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon