CHAPTER: 3 (Arrest)

71.1K 2.6K 841
                                    

I WANNA cry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I WANNA cry. This is insane.

"It's not a joke. Totoong-totoo na talaga 'to," bulong ni Reiko.

Walang ganang tinitigan na lang ni Reiko ang patong-patong na librong nasa kanyang harapan. Lahat ng iyon ay pinadadala sa kanya ng amang si Ernest Lopez na isang professor sa P.U.

"Wait for me outside, may naiwan lang ako sa kwarto."

Sinundan ng tingin ni Reiko ang amang umakyat sa hagdan. Napabuntong-hininga siya at sinumulang isilid ang mga libro sa kanyang bag.

"This is heavy," aniya nang subukang buhatin ang may kalakihang bag. "Good thing isang beses ko lang 'to gagawin. Mabuti na lang may dedicated locker room para sa katulad kong kabilang sa new generation of professors ng P.U," may pait sa sabi niya.

Sumakay na sa backseat ng kotse si Reiko. Ilang saglit lang ay sumakay na rin si Ernest at saka nito binuhay ang makina ng kotse. Nakita niya nang silipin siya nito sa salamin bago nito hawakan ang manibela ng kotse at patakbuhin na iyon.

"Ahm... Pa—"

"Kailan mong malaman na anuman ang gawin o ginagawa mo sa school ay makakaapekto sa pangalan ko," ani Ernest kasabay ng pagliko nito ng manibela pakaliwa.

Nagbuga ng hangin si Reiko. "I already know that, Pa."

"Maglabas ka ng tatlong libro. Mas magandang tignan kung may bitbit ka kaysa ganyan na inasa mo lahat sa bag."

Bahagyang napasimangot si Reiko. Iyon nga ang silbi ng bag e, para hindi mahirapan sa pagbitbit ng mga gamit.

Naglabas si Reiko ng tatlong libro gaya ng iniutos ni Ernest. Ipinatong niya iyon sa kanyang kandungan at saka niya isinara ang zipper ng kanyang dalang bag. Nagtama ang kanilang mga mata ni Ernest nang sabay silang sumilip sa harapang salamin. Nginitian siya nito.

"Ang sabi sa akin ni Mr.Pastrana, fifteen lang kayo sa klase. Well, not all can pass the class. Only four will have the opportunity to be part of the team," seryosong pahayag ni Ernest.

"Si Sir Pastrana po ba ang magiging prof namin?"

"No, last year pa siya nawala sa first six," sagot ni Ernest habang nakasilip sa salamin. Ang tinutukoy nitong first six ay ang hanay ng mga guro sa P.U na siyang itinalaga para magturo sa mga nagma-masteral na students na gustong magturo sa school.

"So, ikaw ba Pa?" aniya habang nakaturo sa ama.

"You know it's impossible. Kahit kabilang ako sa first six, hindi nila ako hahayaan na magturo kung alam nilang anak ko ang isa sa mga students. That's why before they know, sinabi ko na agad."

Nakaramdam ng panghihinayang si Reiko. "Then, sino po?"

Sinagot ni Ernest ang tawag sa cellphone nito nang tumunog iyon. Hindi na tuloy ito nag-abala pang sagutin siya. Napabuntong-hinga na lang si Reiko at wala sa loob na binuklat ang isang libro na nasa kanyang kandungan.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon