CHAPTER: 25 (Everyone's Problems)

43K 1.6K 587
                                    

SAKTONG natapos ni Bright ang pagbuo ng kanyang rubiks nang magsidatingan ang inaantay niyang mga kaibigan bukod kay Xyro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAKTONG natapos ni Bright ang pagbuo ng kanyang rubiks nang magsidatingan ang inaantay niyang mga kaibigan bukod kay Xyro. Gaya niya ay mukhang problemado rin ang mga ito.

Nasa PHQ sila ngayon. Nagkausap-usap sila na magkita-kita para kamustahin ang isa't isa. Hindi inaasahan ni Bright na may kanya-kanya rin pa lang problema ang mga ito. Inilahad iyon ng bawat isa at tanging siya na lang ang bumubwelo para sabihin ang tungkol sa kanila ni Check.

"Bro, kung sa tingin mo e wala namang balak sulutin sa'yo si Erin e bakit kailangan mo pang problemahin?" ani Jam kay Gavin.

Dumekwatro si Gavin. "I don't know. There's something na nakakapagpa-badtrip sa akin. Pakiramdam ko kasi mas gusto pa n'yang kasama yung k*nginang 'yon."

"At saka syempre sino ba ang 'di maba-badtrip kung alam mong half brother mo ang madalas kadikit ng syota mo, 'di ba?" sabi ni Jaxx. Tumingin ito kay Yohan. "No offense," anito na tinangungan lang ni Yohan.

"Nakahanap din kasi siya ng ka-ugali niya e," sabi ni Gavin. Ang tinutukoy nito ay ang girlfriend na si Erin. "Badtrip e. Kung anong tahimik ko siyang ligalig nung isang 'yon."

"Ang laki ng problema mo e samantalang tamang hinala ka lang naman," singit ng seryosong si Bogz. "Ako Bro, 100% ni Taguro... sure akong balak sulutin ng panget na Ethan na 'yon ang Cutiepie ko," anito habang nanlalaki ang butas ng ilong.

"Kabahan ka nga," ani Jam habang nilalaro ang compact mirror nito. "He has a big chance to steal your girl."

"Luh!" paggaya ni Bogz sa ekspresyon ni Check. "No... no... no! Big chance mo mukha mo. Yung panget na 'yon? T*ngina, nagjo-joke ka ba?"

"Panget ba talaga?" sabat ni Yohan.

Lalong sumeryoso ang mukha ni Bogz at hindi ito sumagot. Naiiling na inakbayan na lang ito ni Jam. Parang bata namang nag-inarte si Bogz na kunwari ay umiiyak kasabay ng paghampas-hampas sa dibdib at abs ni Jam.

"Pero alam n'yo, yung ginawa ko doon sa Johnriz na 'yon? Kahit nagalit sa akin si Heaven, mas gugustuhin ko pang ulit-ulitin para tuluyang basagin yung mukha ng hayop na 'yon." Isinuntok ni Jaxx ang kanang kamao nito sa kaliwa nitong palad. "She don't understand me. Lalaki ako, alam kong pasimple na siyang sinasamantala ng hayop na 'yon. I'm just protecting her pero ako pa yung lumabas na masama."

Tahimik lang na nakatingin si Bright sa mga kaibigan. Gustuhin man niya sanang magsalita pero nakatuon ang kanyang isipan sa sarili niyang problema. Hanggang sa nagsalita na si Yohan tungkol sa pinagdadaanan nito. Napatitig siya dito. Naisip niya na hindi sila nagkakalayo ng problema. Kung siya ay ipakakasal sa babaeng hindi naman niya mahal, ito naman ay inagawan ng minamahal at ipakakasal iyon sa iba.

"Are you f*cking serious? Bakit hindi ka pa umalis sa company na 'yon e lalo ka lang gagaguhin doon ng kaagaw mong 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Jaxx kay Yohan.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon