"WHEN?"
[Just give me 2 to 3 days for the result]
Bumuntong-hininga si Bright. "Okay."
[Sir—]
"I want you to keep your mouth shut," mariing sabi ni Bright. "I will send some of my securities around you. May tiwala ako sa'yo Doc, pero kailangan ko lang gawin ito."
[I understand]
Ibinaba na ni Bright ang tawag. Hinarap niya ang nakaantabay lang na sina Frank at Roger. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka.
"I can't do this alone, that's why i need you both."
Nagtinginan sina Frank at Roger. Tumayo si Bright sa inuupuang swivel chair at saka niya nilapitan ang dalawa. Huminto siya sa tapat at saka niya ipinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito.
"Alam kong mali ang ginagawa kong pagtatago ng problema ko pero hindi ko pa kasi kayang sabihin ito sa kanila... sa mga kaibigan ko... lalong-lalo na sa kanya..." napayuko si Bright. "Kay Check."
"Master... anong maitutulong namin?"
Inilahad ni Bright ang kanyang problema kayna Frank at Roger. Iniutos na rin niya sa dalawa ang nais niyang mangyari, ang bantayan ang Doctor na si Vince Walter na kasalukuyang pinoproseso ngayon ang DNA test na kanyang inilapit dito.
Kapwa naintindihan nina Frank at Roger ang sitwasyon na kinakaharap ngayon ni Bright. Naisip ng mga ito na ano man ang mangyari ay hindi dapat basta isisi sa kanya ang naging problema niyang iyon dahil sa naging kalagayan niya ng mga panahon na iyon.
"Master, si Senyora po... wala din po ba kayong balak na sabihin sa kanya?" usisa ni Frank.
Naigilid ni Bright ang kanyang mga mata. "Pinag-isipan ko na rin ang tungkol dyan. Bukod sa inyo, balak ko na ring sabihin sa kanya dahil ayokong maunahan pa ako ni Leonah," walang ganang pahayag niya. "Ipapaalam ko naman sa lahat. I will, kapag nakuha ko na ang resulta ng test."
Matapos sabihin ang ilan pang detalye ng nais ipagawa ni Bright kayna Frank at Roger ay nagpalaam na rin agad ang mga ito. Naiwan siyang tulala habang binabalikan ang mga pangyayari na kaninang hapon lamang naganap.
•Flashback•
"Thank you dahil pinaunlakan mo ang pagyaya ko sa'yo na magpunta muna dito sa bahay bago ka umuwi."
"I came because i still want to talk to you," seryosong sabi ni Bright.
Ngumiti si Leonah. "Well, it's okay with me. Wala naman akong appointments today."
Nasa malawak na hardin sila ng bahay ni Leonah. Kaunting sandali na lang ay palubog na rin ang araw. Pakiramdam ni Bright ay parang sinasakal siya ng mga sandaling iyon.