"SIR, bawal po dyan!"
Nasa airport na si Bright. Tinalon niya ang isang bakal na harang para mabilis siyang makalusot at makapasok papunta sa kabila. Pinituhan siya nung isang guard pero naging mabilis ang kanyang paglalakad hanggang sa magsimula na siyang tumakbo sa loob kaya hinabol na siya ng mga ito.
Mas binilisan ni Bright ang pagtakbo. Where are you, Pakrung?
Nagpalinga-linga si Bright nang marating na niya ang departure lounge. Napansin niya na kaliwa't kanan na rin ang mga guards na na humahabol sa kanya. Habang tumatakbo ay sinubukan niya ulit tawagan si Check pero nakapatay pa rin talaga ang cellphone nito.
Nang makarinig ng mga sunud-sunod na pagpito ang mga tao ay natakot ang mga ito. Ang ilang mga nakaupo ay nagtayuan para alamin kung ano ang nangyayari.
"Tigil! Tumigil ka!"
Hindi na nagawa pang makaiwas ni Bright nang salubungin siya ng tatlong pulis sa kanyang dadaanan. Paglinga niya ay napagtanto niya na kasalukuyan siya ngayong pinalilibutan ng mga guards at pulis. Umabante ang ilan sa mga iyon at hinawakan siya sa magkabila niyang braso. Doon ay nagsimula na siyang pumiglas at isigaw ang pangalan ni Check.
Dahil na rin sa init ng ulo ay nagawang suntukin ni Bright yung dalawang pulis. Nang bumunot ng baril at kumuha ng posas yung isa ay bigla na lang may sumigaw para patigilin yung mga guards at pulis. Isang pasahero na may mataas pa lang katungkulan sa gobyerno ang palapit.
"I am Gen.Wilson of the Arm Forces," pakilala nung may edad ng lalaki. "I'm sorry for the trouble. Just leave this to me. I know this man."
Hindi na nag-alangan pa yung dalawang pulis na nakakapit kay Bright na bitawan siya. Sumaludo ang mga ito sa lalaking nagpakilalang si Gen.Wilson at saka dumistansiya. Gayon pa man ay nanatiling nakaantabay ang mga ito.
"Thank you, Sir," pagpapasalamat ni Bright kay Gen.Wilson na ang totoo ay kanyang Ninong at pagkatapos ay nagpalinga-linga ulit siya sa paligid.
"What's the matter? Sino bang hinahanap mo?" tanong ni Gen.Wilson.
Saglit na kinalma ni Bright ang kanyang sarili at sinabi niya ang kanyang pakay. Noon niya nalaman na mag dadalawampung minuto na pala ang nakalipas ng makaalis na yung flight patungong Korea.
Bagsak ang mga balikat na nilisan ni Bright yung airport. Gusto niya sanang ipaalam sa mga kaibigan na hindi siya umabot pero tila blanko ang isipan niya habang nagmamaneho siya pauwi.
Sa kalagitnaan ng byahe ni Bright ay naisipan niyang magtungo muna sa bahay nina Check. Hindi na siya nagtangka pang dumaan doon sa bintana dahil panigurado ay naka-lock iyon. Nagulat na lang ang mga katulong sa bahay sa biglaan niyang pagdating.
"Is her room locked?"
Pumikit-pikit muna ang katulong na si Gina bago ito tumango. "Yes, Sir," sagot nito at saka ngumiti. "But I have the key."