CHAPTER: 15 (The Result)

39K 1.5K 687
                                    

"I'LL see you then, Doc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'LL see you then, Doc."

Initsa ni Bright ang kanyang cellphone sa kanyang kama. Pabagsak siyang nahiga at sinubukang papayapain ang kanyang isipan.

Pinag-usapan nila ni Dr.Walter ang gagawin nilang pagkikita mamayang gabi sa Mansion. Ngayon pa lang pakiramdam ni Bright ay nagtataksil na talaga siya kay Check dahil kailangan niyang itago dito ang gagawin niyang pagpapapunta rin kay Leonah para sa resulta ng DNA test.

Forgive me, Dad. I know this isn't right, but i don't really have the courage to tell her yet.

"Hindi ako handang makita na masaktan ka."

Biglang may kumatok sa pintuan. Kilala niya ang pagkatok na iyon kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na payagang tumuloy ang nais pumasok. Tinabihan siya ni Yohan sa kanyang kama. Gaya ng ginawa niya kanina ay pabagsak nitong inihiga ang sarili sa kama.

"Don't you have a date?" bungad na tanong ni Yohan.

Nilinga ni Bright ang kapatid. "Ako yata ang dapat magtanong niyan. What are you doing here? Hindi ka ba niyaya ni Jane na lumabas?"

"Well... she said, she has a business meeting," sagot ni Yohan.

"I'm happy for you."

Napatingin si Yohan kay Bright ng may pagtataka. "Is there anything wrong?"

"What?" kunot-noong sambit ni Bright. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"I didn't expect you to say that," ani Yohan.

"Say what?"

"That you're happy for me."

Bahagyang tinapik ni Bright sa dibdib si Yohan. Ngumiti naman ito at mahinang suntok sa braso ang iginanti nito sa kanya. Kasunod noon ay nagpataliman sila ng tingin sa isa't isa.

"Thank you for becoming my Mom and Dad, Kuya," biglang seryosong wika ni Yohan. "I owe you a lot."

"Stop." Sumandal si Bright sa headboard ng kama. "Ayoko ng usapang ma-drama."

Napangisi si Yohan. Bumangon ito at naupo na lang sa gilid ng kama. Ilang segundo ring walang umimik sa kanila. May gustong itanong si Yohan kay Bright pero hindi naman nito alam kung paano iyon sisimulan.

"Yohan."

Agad na tumingin si Yohan kay Bright. "Yeah?"

Unti-unting tinignan ni Bright si Yohan sa mga mata nito. "A-Anong pakiramdam ng mapagkaitan ng ama?"

Saglit na natigilan si Yohan sa tanong ni Bright. Napansin nito ang biglaang pag-iwas niya ng tingin.

"It's painful."

Muling tinignan ni Bright si Yohan. Rumehistro sa mga mata nito ang isinagot nito sa kanya. Dahil doon ay nakaramdam siya ng labis na lungkot at takot.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon