Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HUMINGA ng malalim si Check. Habang nakaabang sa ipinamimigay na test paper ay tahimik niyang binabalikan sa kanyang isipan ang kanyang mga inaral kagabi. Kahit alam niyang napag-aralan na niya ang ilang mga posibleng lumabas na tanong ay matindi pa rin ang kabang nararamdaman niya dahil malaki ang kinakailangan niyang puntos para maipasa ang pagsusulit na iyon.
Tinuktok ni Check ang hawak na ballpen sa kanyang ulo. Hmm... shemay! Ano nga ba 'yon?
Lalong nawala sa konsentrasyon si Check nang mahagip ng kanyang mga mata ang mabagal na pagdaan ni Bright sa tapat ng kanilang class room. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala.
"We will start in two minutes."
Itinuon na ni Check ang kanyang atensiyon sa harapan para pakinggan ang sinasabi ng kanilang Professor. Ano mang pagpipigil ang gawin niya ay kusa pa ring pumapaling ang kanyang ulo para tumingin sa labas ng class room na iyon.
"Luh! Bakit ko ba siya hinahanap eh wala naman sa mukha niya ang sagot," bulong ni Check.
Nagsimula na ang pagsusulit. Malamig naman pero pinagpapawisan ng butil-butil si Check. Kahit may kaba sa dibdib ay napapangiti naman siya tuwing mayroon siyang siguradong sagot.
"Make sure you still carry your books on your short vacation," istriktong paalala ni Professor Marquez dahil dalawang Linggo na lang ay semestral break na.
Sumimangot si Check. Paano kung nasa swimming pool or dagat ka? May bitbit kang libro? Luh! Kalokohan. Adik din 'tong si Sir eh. Malamang mababasa 'yon!
Natapos ang oras ng pagsusulit. Huling nagpasa si Check ng kanyang papel. Mayamaya lang ay tumunog na rin ang bell kung kaya't unti-unti na ring naglabasan ang mga estudyante.
"Ms.Libramonte," tawag ni Professor Marquez. Hawak nito ang papel ni Check.
Napahinto si Check sa paglalakad palabas. Dalawang beses siyang napalunok bago umatras para balikan ang tumawag na Professor. Seryoso siyang naglakad palapit sa desk nito.
"Sir?" ani Check at saka niya kinagat ang ibaba niyang labi.
Muling napalunok si Check nang makita niya ang seryosong tingin ni Professor Marquez sa kanya. Ilang saglit lang ay inilapag nito doon sa desk ang papel niya at saka ito ngumiti.
"Upon cheking some of your answers... well, I must say... you did good."
"Me Sir, Good?" ani Check habang nakaturo sa sarili.
"Yes," sagot ni Professor Marquez kasabay ng pagtango nito. "Just continue what you are doing. You can do it, you can graduate."