Paano ko ba sisimulan 'to? Gusto kong tawanan ang sarili ko kasi napakaiyakin ko talaga. Woooh! Kaya siguro ang dami ring drama ng story na 'to. 😅Ang MS.RIGHT yung nagbigay sa akin ng chance na mas makilala dito sa wattpad world. Ang sarap sa feeling nung nagbunga yung taon na naigugol ko para matapos ito. At ngayong nandito ka na sa pahinang ito... gusto kong sabihin sa'yo na SALAMAT.
SALAMAT sa mga Operators/Admins ko sa napakalaking tulong na ibinigay niyo sa akin. Kayo na siyang naging saviors ko sa pagbibigay ng buhay sa group na itinayo ko. Without you guys, hindi ko makakayanang i-handle ang Redsters. Wala kayong hinihinging kapalit sa akin. I'm so thankful na nandyan kayo sa journey ko bilang isang baguhang writer. Marami na tayong ups and downs pero nanatili pa rin kayo sa aking tabi. Alam kong darating din yung time na makikita ko kayo at mayayakap para magpasalamat. ❤️
SALAMAT Redsters. Mula sa silent readers, flood voters at yung comment squad... maraming salamat. Hindi ko inakala na posible pala para sa akin ang magkaroon ng million views/reads. Sa tulong ng bawat isa sa inyo, nakamit ko siya. Honestly, kung may pagkakaton lang na makamayan o mayakap ang bawat isa sa inyo... gagawin ko. Hindi ako mapapagod na magpasalamat. Salamat sa pagmamahal. Nagawa niyo akong samahan mula sa umpisa at hanggang ngayon nandyan pa rin kayo para sumuporta. Gaya ng madalas kong sabihin, kayo talaga ang inspirasyon ko. Kayo na matyagang nagbabasa ng mga kwentong ginawa ko. Redsters... maraming salamat. ❤️
Naaalala ko pa kung gaano kahirap ang magsimula. Kung paanong kinailangan ko talaga na tyagain ang pagpo-promote para makakuha ng readers. Ang hirap, napakahirap. Sobrang saya ko nung panahon na meron na akong "k" sa followers ko. Napakalaking bagay na sa akin yung 1k followers ko noon. Alam ko at nararamdaman ko na iyon na yung simula.
Hanggang sa matapos ko yung mga naunang stories ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa nae-edit. Hahaha! May nagtanong sa akin before na bakit daw puro teenfiction yung stories na ginagawa ko. Napaisip din ako noon eh na bakit nga ba? Hahaha! At this age, kalimitan ang ginagawa ay Romance stories na may mga adult content. Pero kasi ang katwiran ko noon, mas maraming teens ang nagbabasa ng wattpad. So kahit hindi na ako teenager ay gusto kong magpaka-teens para maabot ko ang puso nila. That is why teenfiction talaga ang tinarget ko at first.
Gusto ko talagang i-explore ang ibang genres. Action, Fantasy, Sci-Fi, Mystery, Thriller/Horror, and yup! Gusto ko ring subukan gumawa ng may adult content na stories (yung below 18, mga anak huwag kayong magtangka kung ayaw niyong mabuntal) So watch out. 😁
Alam ko sa ngayon, hindi pa tayo ganoon kalaki. Pero naniniwala ako na sa paunti-unting dagdag ay magagawa rin nating maabot ang nais nating marating. Nagawa ng iba, kaya magagawa rin natin 'di ba. 😊
LABLABLAB,
RED❤️•••••
—Additional message para i-clear ang ilang mga bagay—
First, bakit walang Special Chapter?
—The truth is, I will create one. Actually, dapat lahat meron from book1 to book3. Pero that is for book version only. So hindi niyo siya mababasa dito guys. Bakit? Kasi iyon na lang yung panghahawakan ko for marketing kapag nagkaroon na ng book ang MR. Mas okay naman 'yon 'di ba? Kaysa naman once mapublished na yung book ay ide-delete na yung story sa wattpad. So sana maintindihan niyo yung tungkol doon. 😊Second, may 2nd generation ba ang MR?
—Why not? I'll also love to. 😊 Alam niyo namang mahal ko ang MR kaya gagawan at gagawan talaga natin 'yan ng 2nd generation.Third, kailan sisimulan yung 2nd generation ng MR?
—I still don't know when. Kailangan ko pang pag-isipan mabuti ang itatakbo nung story na 'yon lalo pa't kadugtong 'yon syempre. And gaya rin kasi ng nasabi ko na, may next story muna akong gagawin. Yung genre niya ay Action/Fantasy/Sci-Fi/Romance... actually andon na lahat aside sa Horror. Hahaha! Excited ako sa kwentong 'yon dahil mas astigin ang dating niya dahil nga action kung action. 😁Fourth, wala na ba talagang book4?
—3 books is enough. Ganoon talaga, may hangganan ang lahat. Masyado ng maraming pinagdaanan yung mga bida natin. Hindi na maganda kung dudugtungan at pahahabain pa natin. Baka maubos ko na lahat ng problema sa buhay kung pipilitin pa natin. Hahaha! Walang dating ang isang story kung walang problema. Ubos na bangs ko guys, maawa din kayo sa BRICHE/PAKUROT. 😂Binago ko na nga pala yung name ng fb group, it is now REDSTERS OFFICIAL. You are all welcome to join. ❤️
•Hiatus muna ako ngayon dahil sisimulan ko ng i-edit ang book1 para sa publication niya. Sana ay suportahan niyo rin yung book•
(HIGHLIGHT AND COMMENT YOUR QUESTIONS HERE)