CHAPTER: 39 (Night Out)

41.4K 1.7K 1.1K
                                    

"BAR hopping

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BAR hopping. Woohoo!"

(NP: Miss Right)

Sakay ng isang van na pag-aari ni Jane ay nagsimula ng magbigay ng suhestiyon ang ilan kung saan sila unang pupunta. Si Erin ang nagpresintang magmaneho habang katabi nito sa harapan si Reiko na siyang eksperto sa direksiyon.

"Girls, alalay lang sa pag-inom ha? Wala tayong kasamang lalaki ngayon," paalala ni Rue.

"Ang lakas pa namang uminom niyang si San," sabi ni Cheena.

"Tss! Parang siya hindi. Kung makalamang man ako ng inom sa'yo, mga 3 to 4 shots lang 'yon no," nakasilip sa salamin na sabi ni Erin.

"Well atleast I can control myself." Dumila si Cheena. "Hindi gaya mo, nananakit ng katabi," dagdag nito na tinawanan ng lahat.

"To be honest girls, gusto ko talagang magpakalasing tonight," ani Reiko habang nakalingon sa mga kaibigan.

"Ooops! Same here," ani Erin sabay taas ng kamay. "So kailangan ko ng sub sa pagda-drive," anito at saka nag-peace sign.

Nagtinginan ang mga sakay sa likuran. Agad na umiling si Heaven at sinabing hindi ito marunong. Si Cheena naman ay sinabing nag-aaral pa lang daw ito. Sumagot na rin si Check at sinabi niyang single lang ang kaya niyang patakbuhin.

"It's okay, I'll drive," ani Jane habang nakataas ang dalawang hinlalaki.

"Pero 'di ba, gaya ko... mahina ka ring uminom? Madali kang malasing?" pagpapaalala ni Rue.

Lumukot bigla ang mukha ni Jane. "Aww, 'yun lang."

Ngumiti si Rue. "Ako na lang," anito habang nakatingin kay Erin na nagda-drive sa harapan. "I think I can handle this. Maraming beses ko na ring na-drive yung van namin."

"We still have a problem," sabi ni Reiko.

Nilinga saglit ni Erin si Reiko. "I know what you're thinking." Labas-ngipin itong ngumiti. "Don't worry, mababait ang bantay basta merong lagay," anito at saka kumindat.

Nang marating ang bar na una sa kanilang listahan ay hindi na nahirapang makapasok ang wala pa sa tamang edad na sina Rue, Jane at Check. Kinulang man ng isang taon ang kanilang mga edad ay nakapuslit sila dahil nadaan sa pakiusap at sa lagay.

Inokupa nila ang isang bilog na mesa na nasa bandang dulo at agad na um-order ng maiinom. Habang nag-aantay ng kanilang in-order ay nasimula na silang magkaasaran kung sino ang unang malalasing sa kanila.

Hindi maipagkakaila na naaaliw ang lahat sa mahigit tatlumpung minuto pa lang na nailaan nila sa bar na iyon. Nagsimula na ring magkalakas ng loob ang ilan sa kanila na makisayaw gaya ng iba.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon