[NASA Camp ako. I'm checking all the barracks]
"Teka, akala ko ginawa mo na 'yon kahapon?" nagtatakang tanong ni Roger sa kausap sa kabilang linya na si Frank.
[Yeah, kaya lang hindi ko natapos. Hindi ko napuntahan yung sa Jaguar at Panther]
"I see," napatango-tango si Roger. Pasimple itong sumilip mula sa kinukublihang puno.
[Ikaw ba, nasaan ka ngayon?]
Napasandal ulit si Roger sa puno. "H-Huh? Ako?" Saglit na nag-isip ito ng isasagot. "Sa Mansion, I'm here at my favorite post."
[Okay. I'll call you later, tapusin ko lang 'tong checking ko]
Napangiti si Roger nang kusa ng magpaalam si Frank. Mabilis nitong ibinalik ang kanyang cellphone sa bulsa at saka inayos ang suot na damit. Makailang beses muna nitong sinuklay ang buhok gamit lamang ang kamay nito bago nagpasyang umalis sa pinagkukublihang puno.
"Kaya mo 'yan Ron Gerson. Huwag kang papatay-patay," ani Roger sa kanyang sarili habang naglalakad ng nakayuko. Nakangiti nitong inamoy ang dala nitong bulaklak.
Nang marating ang tapat ng isang bahay ay saka lang nag-angat si Roger nang tingin nito para pindutin ang doorbell. Hindi nito naituloy ang pagpindot at napalinga nang may sumabay na kamay sa kanya.
Kapwa nagkagulatan sina Roger at Frank nang makita nila ang isa't isa. Hindi maipinta ang mga mukha nila nang makitang kapwa may bitbit silang mga bulaklak at tsokolate.
"Camp pala ha!"
"Mansion pala ha!"Nanlaki ang mga butas ng ilong nila nang magkasabay sila sa pagsasalita. Hindi nila napigilang pasadahan ng masamang tingin ang kabuuan ng isa't isa.
"Teka nga. Huwag mong sabihing may pinopormahan ka sa bahay na 'to?" naunang tanong ni Frank habang nakatingin pa rin sa bitbit ni Roger.
"Boss, ako dapat ang magtanong nyan," naiiling na wika ni Roger.
"HUWAG MONG SABIHING..."
Sabay na nilinga ng dalawa ang doorbell. Nagsimula silang mag-unahan sa pagpindot na parang bata. Ayaw papigil sa isa't isa na halos nag-eespadahan na ang kanilang mga kamay.
Naningkit ang mga mata ng dalawa. "AKO ANG NAUNA SA KANYA," sabay nilang sambit.
Hindi pa man nila napipindot ang doorbell ay bigla ng bumukas ang pintuan. Mabilis na napabitaw sa kamay ng isa't isa sina Roger at Frank at kapwa sila tumindig ng maayos.