"I DON'T want to hear any questions."
Naitikom na lang ng PRIME ang kanilang mga bibig na mag-uunahan sanang sa pagtatanong kay Bright. Nakaramdam siya ng inis dahil kahit tahimik ang nakasara nitong mga bibig ay batid naman niya doon at sa mga mata nito kung paano siya pinagtatawanan ng mga ito.
"Actually he's been following us since—"
"Shut up!" pagpapatigil ni Bright sa kapatid na si Yohan na nakapagpangiti pa dito.
Dinampot ni Bright ang margarita na iniinom ni Yohan at pabarakong inubos iyon ng isang inuman lang. Kinagat niya yung laman nung nakasabit na lime at pagkatapos ay ishinoot yung balat doon sa mismong baso.
Dahil nakatalikod ang puwesto ni Bright ay hindi niya magawang makita ang mesa nina Check. Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jam para hiramin yung compact mirror nito at agad naman nitong inabot iyon. Sa tulong noon ay nagawa niyang makita si Check.
"Pahirapan ba ang sarili," bulong ni Jam habang nakatingin sa ginagawa ni Bright. "We can swap chairs, if he want."
"Nah! Doon talaga siya pumuwesto para magawa niya 'yan," sabi ni Jaxx.
Habang abala si Bright sa pagsipat doon sa compact mirror ay kinalabit siya ng katabi niyang si Bogz. Inis na itinigil niya ang kanyang ginagawa at saka ito tinignan ng masama.
"Pwedeng magtanong?" nakangiting usal ni Bogz.
Naningkit ang mga mata ni Bright. "What?"
Tumuro si Bogz sa mata ni Bright. "Anong color ng eyeshadow ang inilagay sa'yo?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Bright kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang. "Gusto mo bang dagdagan ko 'yang sa'yo?"
Nang maintindihan ni Bogz ang kanyang sinabi ay itinikom nito ang bibig nito at bigla na lng nakipagpalit ng puwesto kay Jam. Tahimik na ipinagpatuloy na ni Bright ang paraan ng pagsilip niya kay Check at doon sa iba pa.
Habang nakatingin doon sa compact mirror ay dahan-dahang inangat ni Bright ang kanyang mga mata at nakita niyang titig na titig si Jam sa kanya. Ngumisi ito na hindi niya nagustuhan.
"What... the... hell?" mabagal at mariing sambit ni Bright.
"Parang... gusto kong magkasala," ani Jam habang nakatitig sa mukha ni Bright.
Isinampal pabalik ni Bright yung compact mirror kay Jam at pagkatapos ay tumayo siya para sundan si Check dahil nakita niyang lumayo ito sa mga kasama. Nakita niyang gumilid ito at pumasok ng comfort room.
Napailing si Bright nang marating niya yung bukana ng comfort room. No, I won't enter.
"Excuse us," anang isang babae na may kasunod na tatlong mga kaibigan nito.