CHAPTER: 22 (His Face)

40.9K 1.6K 336
                                    

"MS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MS.LIBRAMONTE!"

Gulat na tumingin sa harapan si Check dahil sa malakas na tawag sa kanya ng  babaeng guro na si Professor Vasquez. Nahuli siya nitong nakatulala habang nakatingin sa bintana. Naiiling na nilapitan siya nito.

Lumabi si Check. "Sorry po, Ma'am."

"You are absent for days tapos pagpasok mo ganyan ka pa. Sa tingin mo, mahahabol mo pa kaya ang grades mo?"

Grades. Hay! Oo nga, kailangan kong tutukan ang grades ko. Iyon dapat ang iniisip ko at hindi ikaw e!

Alam niya na walang magtatangkang pagtawanan siya dahil takot ang mga kaklase niya sa maaaring mangyari sa mga ito. Gayon pa man, sigurado siyang kinikimkim lang ng mga ito iyon.

Bumuntong hininga si Check. "I'm sorry, Ma'am," paghingi niya ulit ng tawad at saka siya yumuko.

"Stand up and—"

Hindi na naituloy ni Professor Vasquez ang nais sabihin nang tumayo na si Check at magmartsa palabas. Alam na niya kasi ang ipagagawa nito... ang palabasin siya ng klase dahil sa hindi niya pagbibigay ng atensyon sa kanilang aralin.

Dahil hindi alam kung saan pupunta ay hinayaan na lang ni Check ang kanyang mga paa na dalhin siya kung saan. Bumaba siya ng hagdan at mabagal na nagpalakad-lakad ng nakayuko sa pasilyo ng ikatlong palapag ng college building.

Kasalan mo 'to e, kainis! Makita lang kita, sisipain talaga kita sa mukha!

(NP: You And I)

Nagpatuloy sa paglalakad si Check. Nakakita siya ng isang holen sa daan. Sa kagustuhan niyang masipa iyon ay napahamak pa siya. Dumaplis lang ang kanyang paa at nawalan siya ng balanse.

Mabilis ang naging pangyayari. Nanlaki ang mga mata ni Check nang mapagtanto niyang nakadunghad na ang mukha ni Bright sa kanya. Nasalo siya nito. Sapo nito ang kanyang likod at bewang.

 Sapo nito ang kanyang likod at bewang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon