CHAPTER: 19 (What Is Right)

43.2K 1.8K 934
                                    

"I'LL call you again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'LL call you again."

Itinali ng mabuti ni Leonah ang robang suot at nagmadaling lumabas ng kuwarto. Nakarinig siya ng malakas na pagsigaw. Tinungo niya ang daan papunta sa mahabang hagdan at nakasalubong niya ang isang nagmamadaling katulong.

"Naku Senyorita, si Sir Bright po galit na galit. Hinahanap po kayo," nakasapo sa dibdib na sabi nung katulong.

Pagtingin ni Leonah sa ibaba ng hagdan ay nakita nga niya si Bright. Pinipigilan ito ng apat na security. Kitang-kita sa mga nanlilisik na mata nito ang labis na galit.

"It's okay! Let him," utos ni Leonah.

Nagtinginan muna ang apat na security bago binitawan ng mga ito si Bright. Inutos ni Leonah na iwan silang dalawa at agad namang sumunod ang mga ito.

Humalukipkip si Leonah habang tinitignan ang seryosong mukha ni Bright habang umaakyat ito ng hagdan. Nang marating nito ang dulong baitang ay nagulat siya nang marahas siya nitong kinapitan. Isinandal siya nito sa pader habang sakal nito ang kanyang leeg.

"B-Bright ano ba! N-Nasasaktan ako!" pag-alma ni Leonah.

"Masasaktan ka talaga sa akin!"

Lalong naramdaman ni Leonah ang paghigpit ng kamay ni Bright sa kanyang leeg. Unti-unti siyang nahirapang huminga.

"S-Stop."

"You want me to stop?!" may gigil na sambit ni Bright.

Hinawakan ni Leonah ang kamay ni Bright na nakasakal sa kanya. "Please!"

"You f*cking ruin my life!"

Umubo-ubo si Leonah habang nakahawak sa leeg nang bitawan siya ni Bright. Mangiyak-ngiyak ang kanyang mga mata habang naghahabol ng paghinga.

"You're stupid!" sigaw ni Leonah habang nakatingin kay Bright. "You almost killed me!"

"Pasalamat ka mahal ko ang buhay ko, kundi hindi talaga ako mangingiming patayin ka kahit dito mismo sa pamamahay mo!" nakadurong sabi ni Bright.

"What is your problem?"

Patulak na isinandal ulit ni Bright si Leonah sa pader. "Huwag mo akong gawing tanga! Alam kong alam mo ang sinadya ko dito."

May takot na iniwas ni Leonah ang kanyang mga mata. Naramdaman ulit niya ang mahigpit na pagkapit ni Bright sa kanyang braso na nakapagpangiwi sa kanya.

"I don't intend to do that! Hindi ko naman alam na nandoon siya," palusot ni Leonah. Pinilit niyang harapin ang mga mata ni Bright.

"Sino ginagago mo?!" singhal ni Bright. Lalong tumalim ang mga mata nito. "Nababaliw ka na."

"Tinulungan lang kita sa kahinaan mo."

Sa narinig ay nagngalit ang mga ngipin ni Bright. Halos malaglag ang puso ni Leonah sa kaba nang pahaginan siya ng suntok nito. Tumama ang suntok ni Bright sa pader malapit sa kanyang kaliwang pisngi.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon