CHAPTER: 1 (New Life, New Beginning)

105K 3.3K 1.6K
                                    

"TRIPLETS!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TRIPLETS!"

Sabay-sabay na naglingunan ang mga nasa living room dahil sa sigaw na narinig. Natigil sa pagku-kwentuhan ang mga ito at itinuon ang atensyon sa palapit.

Araw ngayon ng Sabado kung kaya't libre ang oras ng lahat. May kani-kanilang lakad ang magkakapares pero nagdesisyon muna sila na magkita-kita sa bahay nina Rue dahil sa biglaang pag-imbita nito. Nang malaman ng PRIME ang dahilan kay Xyro ay napakamot ng ulo ang mga ito.

"Triplets! Triplets! Yehey!"

Naiiling na sinalubong ni Xyro ang napapatalon habang lumalapit na si Check. Basta na lamang nitong kinutusan ang kapatid matapos marinig muli ang kaniyang isinisigaw.

"Kuya naman eh! How dares you knock-knock my head!" nakasimangot na protesta ni Check.

"Abot sa kapitbahay yung bunganga mo. Baka mamaya kung ano pa ang isipin nila sa isinisigaw mo. "

Akmang uulitin ni Xyro ang pagkutos kay Check nang makitang dumila siya pero maagap niyang nailayo ang sarili. Inulit ni Check ang kanyang pagdila at pagkatapos ay hinila ang kamay ng nakaupong si Jane para yayain.

"Pakner, dali tignan mo ang cute nila!"

Napatayo si Jane pero pinilit nitong huwag magpatangay kay Check. "Wait, yung shoes ko!"

Sinulyapan ni Check ang naiwang kabiyak ng sapatos ni Jane. "Luh! Bakit kasi ganyan pa ang sinuot mo ngayon. Hindi ka tuloy makatakbo."

Sasagot sana si Jane kay Check nang maramdaman nito ang dahan-dahang pag-angat ng kaliwa nitong paa. Paglingon nito ay nakita nitong isinusuot na ni Yohan sa kanya ang naiwan niyang sapatos.

"Thanks, Babe." Ngumiti ng matamis si Jane. Kindat at isang gwapong ngiti naman ang isinagot ni Yohan.

"Sama kami," inalis ni Reiko ang nakapulupot na kamay ni Jam sa kanyang bewang. Sinenyasan nito sina Heaven at Cheena para sumama.

Nag-alisan ang mga babae at tinungo ang likod-bahay sa pangunguna ni Check. Naiwan ang PRIME na kani-kanya ang pwesto sa living room.

"Puntahan ko lang si Rue, " pagpapaalam din ni Xyro sa mga kaibigan. "She might need my help."

Inihinto ni Bright ang paglalaro ng hawak niyang rubiks. Umabante ito ng lakad at saka umakbay kay Xyro para sumama sa pag-alis nito.

"Pssst, tara tignan din natin," yaya ni Bogz kayna Jam, Jaxx, Yohan at Gavin.

"Okay na ako dito," sagot ni Jaxx na ang tingin ay nasa dala nitong sariling libro.

"Same here," anang naka-de-kwatrong si Yohan na may isinusulat sa pocket notebook nito.

Sinulyapan ni Bogz si Jam. Tatawagin sana nito ang kaibigan pero napansin nito na abala ito sa pagtingin sa isang men's magazine. Sunod na nilinga nito si Gavin na abala naman sa ka-video call nito na si Erin.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon