CHAPTER: 13 (Love Updates)

39.5K 1.5K 855
                                    

"WONHAE manhi manhi-yahh!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WONHAE manhi manhi-yahh!"

Bigay na bigay si Check sa pagsabay sa kanta ng paborito niyang kpop boy group na BTS habang inaantay ang pagdating ng ibang mga kasama. Ngayong araw lang ulit magkakasama-sama sa PHQ ang buong barkada para sa isang hapunan.

"Hanep 'yang si Check. Ibang lengguwahe nabibigkas niya ng tama, pero kapag english na ang usapan ang sarap itapon sa Mars," bulong ng nagpipiit ng tawa na si Jam kay Jaxx.

Siniko ni Jaxx si Jam. "G*go, baka marinig ka," paalala nito sabay nguso kay Bright.

"WONHAE MANHI MANHI-YAHH! MANHI MANHI, MANHI MANHI."

Luminga si Check sa biglang sumabay sa kanya sa pagkanta na si Bogz. Kadarating lang nito kasama ang girlfriend na si Cheena. Lumapit agad si Bogz sa kanya at sinilip nito ang playlist niya sa pinatutugtog niyang cellphone.

"I love BTS," nag-heart shape fingers si Bogz at saka ito kumindat.

"Luh! Hindi nga? Yiee, ako rin!" labas-ngipin ang ngiti ni Check.

"Naman, at saka hindi lang naman ako... tanungin mo 'yang mga yan, nakikinig rin sila ng songs ng BTS," ani Bogz habang nakaturo sa tahimik lang na nakaupong mga kaibigan.

"Weh? Jino-joke mo lang ako Sabogz e." Ngumuso si Check.

Sumimangot si Bogz at saka sumulyap saglit kay Cheena na kasalukuyang nakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan nilang babae. "Hindi ako nag-jo-joke, hindi ko feel."

"Gano'n? You love also them. Hahaha! I'm shocks, i no expecting. It feelings wow!"

"If you're going to ask who's my bias... well, I love the one who has the hope... J-Hope!"

Nag-heart shape fingers si Check. "Hobi, the J-horse. Yiee! Haha!"

Inalis ni Gavin ang isang pares ng earphone sa tenga nito. "Yung Cypher songs at ibang rap songs lang nila ang madalas na trip ko," dumekwatro ito ng upo at saka pumindot-pindot sa cellphone nito. "Specially, rap songs of Suga. Yung Agust D, pamatay."

"Swaeg! Infires man!" ani Check.

"Songs nila ang madalas na soundtrip ko sa bahay while i'm writing," anang si Jaxx na may subong lollipop sa bibig. "Lahat naman ng kanta nila okay sa akin. Yung leader nilang si Rap Monster, literal na halimaw mag-rap."

"Halimaw nga mag-rap palso naman kung sumayaw," sabi ni Jam habang nakatingin sa sariling repleksyon sa hawak nitong salamin. "Doon ako sa Jimin, malupit ng sumayaw... mapapa-wow ka pa sa mga highnotes no'n."

"Highnotes lang naman talaga ang mataas doon sa Jiminion mo," singit naman ni Yohan na napahinto sa binabasa nitong libro. "Doon ako sa golden maknae nila, si Jungkook. Total package na 'yon."

"Si Kookie," nakangiting sambit ni Check.

"Woooh! Total package nga naman, may pasobra pa. Hahaha!" tumatawang sabi ni Bogz.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon