ISINUGOD si Zandler sa ospital. Nabalitaan agad iyon ni Brenda dahil tinawagan ito ni Yohan. Kahit nasa gitna ito ng mahalagang meeting ay nagsabi ito na pupunta raw ito ng ospital para personal na alamin ang kalagayan ng pamangkin.
Si Rue na lang muna ang umasikaso sa mga kaibigan. Gaya ng PRIME ay pinili ni Check na sumunod sa ospital. May ilang oras na ring lutang ang isipin niya mula ng malaman niya ang tungkol sa sakit ni Zandler. Hindi niya ito magawang lapitan. Nakaupo lang siya sa isang tabi habang patingin-tingin.
"Walang may alam," mahinang sabi ni Xyro nang tabihan nito sa upuan si Check.
"K-Kuya..." nakayukong sambit ni Check. Sumara ang mga palad niyang nakapatong sa kanyang mga hita. "Gagaling naman siya 'di ba?"
Pumasok ang Duktor. Tumayo si Xyro at sinabayan ang paglapit ng mga kaibigan. Kahit gusto nilang magtanong ay walang sino man ang nagsalita. Minabuti nilang antayin ang sasabihin nung Duktor.
"The patient has a glioblastoma," bungad agad ng Duktor.
Nagtinginan ang PRIME. Napayuko na lang ang nag-iisang security na bantay ni Zandler na nagpakilala sa kanila bilang si Juno. Hindi nito inaasahan na umabot na sa ganoon ang kalagayan ng amo.
"Doc, Glioblastoma? That is..." hindi natuloy ni Yohan ang sasabihin dahil sa pagkabigla. Nilinga nito ang natutulog na pinsan.
"A stage four brain cancer."
Napamura ng mahina ang ilan sa PRIME dahil sa narinig mula sa Duktor. Si Check na nakaupo lang ay nanlambot dahil naintindihan naman niya yung sinabi nung Duktor. Kinagat niya ang ibaba niyang labi para pigilin ang napipinto na niyang pagluha.
"Iyon ang kinatatakutang mangyari ni Madame Leticia," biglang sabi ni Juno. "Stage three nung umalis siya."
"He needs to undergo chemotherapy," anang Duktor habang nakatingin kay Zandler.
"Doc, gawin niyo na," mariing sabi ni Xyro.
Umiling yung Duktor. "I'm sorry, we can't just do that. We need a consent by his parents and the patient himself."
"Do it, please! His Mom and Dad are not here, but I'm his Auntie."
Nilinga ng Duktor ang kararating lang na si Brenda. Agad itong lumapit kay Zandler. Inilagay nito ang kamay sa dibdib habang hinahaplos ang pisngi ng pamangkin.
"I'm sorry, but what we need is his parents consent since meron naman pong mga magulang ang pasyente," anang Duktor.
"W-What?!" nanginginig ang labi ni Brenda. "The patient is dying! Aantayin niyo pa ba 'yong mangyari?!"
"Madame, there's no cure. Chemotherapy is only a treatment," malumanay na sabi ng Duktor.
Biglang umabante si Jaxx at kinuwelyuhan yung Duktor. "Sinasabi mo ba ngayon na mamamatay ang pasyente?!" nanlilisik ang mga matang sigaw nito.