CHAPTER: 35 (Impression)

37.9K 1.7K 366
                                    

"AYY! Malaking kuto!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"AYY! Malaking kuto!"

Napaatras pabalik si Check dahil sa pagkagulat. Pagbukas niya kasi ng pinto ay mukha agad ni Zandler ang bumungad sa kanya. Sumaludo ito at saka ngumiti.

Saglit na tinitigan muna ng masama ni Check si Zandler. "Anong ginagawa mo dito?"

Namulsa si Zandler. "Ihahatid ka."

"Luh! At bakit?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Check.

"Wala lang, gusto ko lang," sagot ni Zandler. Ipinaling nito ang ulo para sumulip sa loob ng bahay. "Mommy mo?" tanong nito.

Kumunot ang noo ni Check. "Naninibago 'yon sa oras kaya tulog pa."

Tumango-tango si Zandler. "Eh yung Kuya mo?"

Lalong napakunot ang noo ni Check. "Maaga na 'yon umaalis ngayon." Itinaas niya ang isa niyang kilay. "Teka nga. Bakit ba hinahanap mo sila?"

"Wala lang, gusto ko lang."

Nakangusong isinara ni Check yung pintuan at nagsimula ng maglakad. Naramdaman niyang nakasunod na si Zandler sa kanyang likuran. Nang makita niya yung nakaparadang motorbike nito ay bigla niyang naalala si Bright. Pagharap niya kay Zandler ay huminto ito at nagkatitigan sila.

"Alam mo, okay lang naman ako eh. Huwag mo na akong ihatid."

Hindi pinansin ni Zandler ang sinabi ni Check. Kinuha nito ang dalang ekstrang helmet. "Okay lang ba sa'yong mainitan?" tanong nito kay Check.

"H-Huh?" nakangangang tugon ni Check. Itinikom niya ang bibig at saka siya humarap doon sa motorbike. "Hindi naman mainit."

Inabot ni Zandler yung helmet kay Check pagkatapos ay isinuot na rin nito yung isa. Sasakay na sana ito ng motorbike nang mapansin nitong hindi niya makapa yung lock ng helmet sa kanyang baba.

"I'll do it," ani Zandler at ito na ang nag-lock nung helmet ni Check.

Napasinghap si Check nang makita niyang bigla ang mukha ni Bright sa mukha ni Zandler. Natigilan siya at sinundan ito ng tingin hanggang sa sumakay na ito ng motorbike. Kumilos lang siya nang lingain siya nito para siya ay pasakayin.

"Prime University, right?"

"Oo," mahinang tugon ni Check.

Pinaandar na ni Zandler ang motorbike nito. Kapwa tahimik lang sila habang sila ay nasa byahe. Pakiramdam ni Check ay may nagbago sa kanya mula kagabi nang ihatid siya ni Zandler. Binabagabag ang isipan niya patungkol doon sa hula.

Pasimpleng tinignan ni Check ang repleksyon ni Zandler sa salamin. Hindi naman siguro.

"Ako na lang," biglang sambit ni Zandler na nakapagpakabang bigla kay Check. "Ako na lang ang maghahatid sa'yo lagi sa school."

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon