CHAPTER: 33 (Close)

40K 1.7K 660
                                    

"ARE you sure you're okay?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ARE you sure you're okay?"

Inangat ni Check ang nakasubsob niyang mukha sa mesa para tignan si Xyro at tanguan. Walang ganang inabot niya ang isang saging, binalatan iyon gamit ang kanyang bibig at sinimulang kainin iyon ng nakahiga ang ulo sa mesa.

"Umayos ka nga," sita ni Xyro. Ibinibitones nito ang nakabukas na polo. "Be you, kaya mo 'yan," mahinang dugtong nito.

Dumiretso ng upo si Check. Ngumiti siya habang ngumunguya. Dumampot siya ng tinapay, nilagyan iyon ng mayonnaise at dalawang patong na ham at saka niya kinain.

"Huwag ka ng mag-commute ngayon, okay? Magpahatid at sundo ka na lang kay Omar. Baka mahirapan ka lang kasi dahil sabi sa balita uulan daw mamaya."

"Oo na," sagot ni Check sabay kagat ng dalawang beses sa hawak na tinapay. "B-Bakit ba ang aga mo ngayon, Kuya?" aniya habang ngumunguya.

Nilinga ni Xyro si Check. Nagtaka siya dahil natigilan lang ito at hindi naman nagsalita. Kumunot ang noo niya nang humugot ito ng malalim na paghinga.

"Si Clerry," maiksing sambit ni Xyro.

Itinaas ni Check ang dalawa niyang kilay. "Anong si Clerry? Anong meron sa b*tch na 'yon?"

"She was killed inside the jail."

Natigil ang pagnguya ni Check matapos niyang marinig ang sinabi ni Xyro. Naigilid niya ang kanyang mga mata at saka niya muling tinignan ang kanyang kuya na gaya niya ay tila napapa-isip kung bakit iyon sinapit ni Clerry.

"S-Sino daw ang may gawa?" tanong ni Check.

"Walang makuhang sagot kung sino," sagot ni Xyro kasabay ng pag-iling nito. "Mukhang planado yung nangyari."

Tumayo si Check at saka umikot ng mesa para lapitan si Xyro. "Planado? Paanong planado?"

Namulsa si Xyro. "Kailangang ilabas ang mga preso dahil nagkaroon daw ng sunog. Nagkaroon ng riot habang iniipon ang lahat. Doon na nangyari ang pagpatay sa kanya. May dalawang saksak siya sa tagiliran at isa sa dibdib na siyang ikinamatay niya. Ang nakakapagtaka, tatlo sa mga CCTV ang hindi gumagana. Ang isa doon ay yung sa lugar kung saan nakitang nakahandusay na si Clerry."

Natutop ni Check ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa sinapit ni Clerry. Alam niyang malaki ang atraso nito kayna Xyro at Rue pero kasalukuyan siya ngayong nakakaramdam ng awa para sa malagim na sinapit nito sa loob ng kalungan.

"Alam na ba ni Rue, Kuya?"

Umiling si Xyro. "Hindi pa."

Nagpaalam na si Xyro kay Check. Sinabi nito na gabi na ito uuwi dahil pagkatapos ng gagawin nitong pakikipag-ugnayan sa mga pulis ay bibisitahin pa nito ang lahat ng branch ng Seven Coast. Hindi na itinuloy ni Check ang kanyang pagkain. Naisip niyang bago pumasok ay ipagdasal muna niya ang kaluluwa ni Clerry.

















MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon