(Warning: SPG alert)
Charot! Hahaha! Hindi naman, pero may very light lang na "kalandian" ang isa sa mga eksena. Patnubay ng PRIME ay kailangan. Char!DAHAN-DAHAN lang ang ginawang pagbukas ni Check ng pintuan. Hindi siya agad lumabas. Iginala muna niya ang kanyang paningin sa paligid para tignan kung nakaabang ba sa kanya ang dakila niyang tagahatid sa school na si Zandler. Laking pagtataka niya nang hindi na naman niya ito nakita.
Lumabi si Check. Wala pa rin? Isang Linggo ko na siyang hindi nakikita ah. Buhay pa kaya 'yon?
Kibit-balikat na lumabas na ng tuluyan si Check. Pumasok siya sa Prime University sakay ng isang bus. Naging normal na araw lang iyon para sa kanya. Gaya ng ipinakiusap niya ay wala na ngang tumatawag sa kanya ng PRIME Princess. Isa na lang talaga siyang normal na estudyante ng kilalang school na iyon na ang tanging pinupuntirya ay ang makatapos.
Hindi niya nakasalubong o nakita man lang si Bright hanggang sa mag-uwian na. Gaya ni Zandler ay isang Linggo na rin siyang walang balita tungkol dito. Huli niya itong makita noong gabing iyon na nag-night out sila ng mga kaibigang babae. Wala mang kasiguraduhan pero malakas ang paniniwala niyang ito iyon dahil malinaw niyang nakita ang singsing na suot nito na alam niyang nag-iisa lang.
Sasakay na sana si Check ng bus para umuwi nang biglang may kumuha ng kamay niya. Agad niyang nilinga ang may-ari nung kamay na nakahawak sa kanya at nakita niya si Zandler.
"Come with me."
"Huh?" nakataas ang dalawang kilay na tugon ni Check.
Bigla na lang tumakbo si Zandler at dahil hawak nito ang kamay niya ay wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. Gusto niya sanang magreklamo dahil sa bilis ng pagtakbo nito pero hindi na niya naisatinig iyon dahil huminto na rin naman ito sa bukana ng isang eskinita.
"Ano 'to? Bakit may pa-trunk and field ka?!"
Kunot-noong tinignan ni Zandler si Check. "Track not trunk."
(NP: Fix You)
Bubuka sana ang bibig ni Check para magsalita pero bigla siyang hinapit ni Zandler para tuluyang ipasok doon sa eskinita. Napigil niya ang kanyang paghinga nang isandal siya nito sa pader at saka ito dumikit sa kanya. Nakahawak ang isa nitong kamay sa kanya at ang isa naman ay nandoon sa pader.
"Stay still," mahinang sambit ni Zandler.
Hindi man ipinaling ni Check ang nakadiretso niyang ulo ay nagawa naman niyang makita sa gilid ng kanyang mga mata ang tatlong lalaki na dumaan. Disenteng tignan ang mga iyon dahil sa suot na mga ito na black coat.