CHAPTER: 48 (A Serious Condition)

38.6K 1.5K 469
                                    

"BILIS at baka naiinip na ang Kuya Xyro mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BILIS at baka naiinip na ang Kuya Xyro mo."

Tinanguan ni Check ang nauuna sa paglalakad na si Cynthia. Dinikitan niya ang katulong na si Gina na gaya niya ay may tulak-tulak rin na shopping cart. Nasa open parking sila ngayon at nakahanda ng ilipat ang mga ipinamili sa dala nilang SUV.

Pupunta ang mga kaibigan ni Check sa kanilang bahay ngayong araw. Niyaya ang mga ito ni Xyro bilang paunang selebrasyon dahil malapit na namang magbukas ang isa pang branch ng Seven Coast.

"Gina, are you sure we bought everything on the list?" tanong ni Cynthia habang tumutulong sa paglilipat ng mga pinamili.

"Yes, Madame," tugon agad ni Gina habang naka-thumbs up. "We almost bought everything in the supermarket. My gosh, Madame! We can actually open a sari-sari store with this."

"You know, Xyro. He might get mad if we missed even a single ingredient that he needs," paalala ni Cynthia.

"Don't worry Madame, everything is under control." Kumindat si Gina.

Ngumiti ng malaki si Cynthia. "Okay then."

"Kayo, okay na ba?"

Sabay na nilinga nina Cynthia at Gina si Check na nasa gilid ng tumutulong sa paglilipat na si Omar. Agad na inilabas ni Cynthia ang panyo nito nang makitang may dugo sa ilong ni Check.

Sinimulang punasan ni Cynthia ang dugo sa ilong ni Check. "Masyado bang mainit at binabalinguyngoy ka?"

"Madame, don't panic... it's normal," nakangiting sabi ni Gina.

Itinuro ni Check si Gina. "This day your final. We pay laters your salary."

"Luh!" paggaya ni Gina sa ekspresyon ni Check. "Peace tayo Prensisa, ang ganda-ganda ni mo today."

Inirapan ni Check si Gina at saka niya itinuon ang pansin sa kausap ni Cynthia na isang matandang babae. Kasama nito ang apo nitong lalaki na siyang nagmaneho ng dalang kotse. Nagtatanong ito kung paalis na sila dahil ito naman ang paparada doon. Wala ng mapagpaparadahan na iba sa open parking na iyon dahil okupado na ang lahat at alanganin na ang ibang espasyo.

"Oscar, double time," utos ni Cynthia habang iniaatras na ni Oscar yung sasakyan. "Wait lang po, Mother," magalang na baling nito doon sa matanda.

"Thank you," nakangiting pasasalamat nung matanda.

Nginitian ni Check yung matanda nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Ilang sandali lang ay nakarinig sila ng malakas na pagbusina. Isang magarang kotse ang bigla na lang nangunang pumasok sa puwestong pinag-alisan ng sasakyan nina Check. Muntik pa nitong mabangga ang dapat sanang papasok na kotse nung apo nung matanda.

"My God!" bulalas ni Cynthia habang nakatingin doon sa kotse.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Check dahil sa inis. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Nilapitan niya yung harapan nung kotse at saka niya tinapik-tapik iyon habang pinapalabas yung driver.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon