CHAPTER: 53 (The Party)

47.3K 1.9K 1.4K
                                    

WALANG paglagyan ng saya si Leonah ngayong kaarawan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WALANG paglagyan ng saya si Leonah ngayong kaarawan niya. Kasalukuyang idinaraos ang kanyang kaarawan sa isang napakalaki at sikat na resort na siya mismo ang may-ari. Sinigurado niya na maraming kilalang tao ang makakarating para makisaya sa espesyal na araw niyang iyon.

Nakangiting bumaba si Leonah sa mahabang marmol na hagdan nang tawagin ng MC ang kanyang pangalan. Napaka-elegante ng kanyang black gown na suot na dinala niya ng nakataas ang noo. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa saya nang marinig niya ang malakas na palakpakan ng mga bisita.

"You are absolutely gorgeous today, Ms.Leonah. You look like a queen," puri ng lalaking MC na ang pangalan ay Gregory.

"Thank you, Greg," nakangiting tugon ni Leonah.

Nagsimula ang selebrasyon. Ilang mga katrabaho at kilalang mga tao ang bumati kay Leonah at nag-abot ng mga regalo. Pinag-usapan din ang naging mainit na pagtanggap ng mga tao sa kaniya bilang isa sa pinakasikat ngayon na artista sa kaniyang henerasyon. Todo ang pagtalakay sa mga ilang teleserye na pinagbidahan niya at gayon din ang kalalabas lang niyang pelikula na pinilahan talaga ng madla.

Sa gitna ng selebrasyon ay nagulat si Leonah nang mamataan niya ang biglang pagpasok ng ilang mga taga press at media. Mahigpit niyang ipinag-utos na walang kahit na sinong mga taga media ang papapasukin maliban sa isang estasyon na personal niyang pinili.

"Roger, right?" ani Leonah sa namataang si Roger na nakaantabay sa isang tabi.

"Yes, Ma'am," tugon ni Roger.

"What is happening? Who are they? Hindi ba sinabi ko na wala kayong papapasukin na ibang mga taga media?" mataray na sabi ni Leonah.

"We're very sorry, Ma'am. We're just following orders," ang dumating na si Frank ang sumagot. "Galing po ang utos sa mas nakatataas," dugtong nito.

"Mas nakatataas?" nakataas ang isang kilay na ulit ni Leonah.

Hindi na sumagot si Frank o si Roger. Sabay na umalis ang dalawa dahil sa natanggap na tawag sa kanilang mga suot na wireless earphone. Hindi na lang ipinahalata ni Leonah ang inis niya habang patingin-tingin sa nagkikislapang mga camera.

"Ms.Leonah, gaano po katotoo na mayabang at mataray po raw kayo sa personal?"

Nabigla si Leonah sa biglang pagtatanong ng pasigaw ng isang babaeng press. Para hindi mahalatang tinamaan ay umarte na lang siya na parang hindi siya nasaktan sa ibinatong tanong sa kanya. Nakangiti niyang pinabulaanan iyon.

"Totoo po ba na pina-plastik niyo lang po ang mga co-actresses na nakakatrabaho niyo?"

"Balibalita na marami na rin daw ang naiinis dahil lumalaki na raw ang ulo mo."

"Ms.Leonah, anong masasabi niyo sa issue na nagpagawa raw kayo ng mukha?"

"May anak ka na raw, Ms.Leonah?"

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon