Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KATATAPOS lang maligo ni Leonah. Itinapis niya yung makapal na bathrobe at dumiretso agad siya sa kanyang vanity mirror. Hinaplos-haplos niya ang kanyang mukha habang nakatingin sa sariling repleksiyon. Ngumiti siya ng matamis habang nakatitig sa sarili.
"I'm so lucky."
Sinimulang suklayin ng banayad ni Leonah ang kanyang mahabang buhok. Libre siya ngayon kung kaya't balak niya ulit yayain sa labas si Bright. Ayaw man niyang isama si Luke pero walang siyang magagawa dahil ang kanyang anak lang naman ang alas niya para mapalapit kay Bright.
"Gosh! Parang nadagdagan yata ako ngayon," aniya habang nakatingin sa kanyang mga braso. "Hindi kaya dahil sa vitamins ko? Tsk!"
Naglagay si Leonah ng face mask. Dinampi-dampian niya iyon para mas kumapit. Ngumiti siya nang makitang maayos niya iyong nailagay. Mayamaya lang ay tumayo siya para puntahan ang kanyang closet para makapamili na siya ng kanyang susuutin.
Muntik ng mawalan ng balanse si Leonah nang bigla na lang may humagis na bato mula sa kanyang bintana. Natutop niya ang kanyang dibdib sa kaba dahil halos mahagip siya nung bato. Tinignan niya iyon at nakita niya na binilutan yung bato ng isang papel.
Nilinga niya yung nabasag na bintana. Is this some kind of a joke? Sinong...
Dinampot ni Leonah yung bato at agad na binuklat yung papel. Napigil niya ang kanyang paghinga nang mabasa niya ang nakasulat doon na ang ginamit pang panulat ay dugo.
B*tch, your end is near.
Binitawan ni Leonah yung papel. Dumuyan iyon sa ere bago tuluyang bumagsak sa sahig. Nagmadali siyang lumapit doon sa bintana para sumilip sa labas. Kahit alam niyang mahihirapan siya dahil sa lawak ng makikita ay pinilit pa rin niyang hanapin ang pinanggalingan nung sulat.
Naningkit ang mga mata ni Leonah nang mamataan sa malayo ang isang paalis na kotse. Tiim-bagang na sinundan niya iyon ng tingin. Hindi pag-aari ng mga Villareal yung kotse na iyon kaya alam niyang ibang tao ang lulan noon. Naisip niya lang bigla, kung sa lulan nung kotse nanggaling yung sulat... paano nito nagawang ibato iyon sa layo ng distansiya nito dahil nasa labas ito ng Mansion?
Mabilis na napalinga si Leonah nang biglang bumukas yung pintuan. Pumasok si Brenda at ang personal maid nito. Sa mga basag na salamin sa sahig natuon ang tingin nito.
"What happened?"
Nagmadali si Leonah na lapitan yung sulat sa sahig. Mabuti na lamang ay nakataob iyon kaya hindi naman kapansin-pansin. Dinampot niya iyon at saka itinago sa kanyang likod.
"Leonah?" untag ni Brenda habang nakataas ang dalawang kilay nito. "Bakit basag ang bintana mo? Did you do it?"
"Of couse not, Mom. Why would I do that?" sagot ni Leonah. Itinuro niya yung bato sa sahig. "Someone threw that stone."