CHAPTER: 24 (Watch One's Back)

42.6K 1.4K 518
                                    

NASA labas ng opisina ni Dex si Yohan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NASA labas ng opisina ni Dex si Yohan. Binitawan at hindi na niya itinuloy ang pagpindot ng door buzzer nang makarinig siya ng malakas na pag-uusap sa loob.

Bibihira lang na magpakita si Dex sa JDR Corp. na siyang kumpanyang pinapasukan ni Yohan. Sa dami ng negosyong pag-aari nito ay inaasa na lang nito ang pamamalakad noon sa mga pinagkakatiwalaan nitong mga tao. Kaya iniisip ni Yohan na maaaring may dahilan kung bakit nadadalas ang pagpasok nito.

Kabastusan man pero dahil sa kursiyonidad ay nanatili lang si Yohan sa pinto. Hindi man malinaw lahat ng kanyang nasasagap ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pakikinig. Sa tingin niya ay hindi lang dalawa ang bilang ng lalaking kausap si Dex sa loob.

"Bakit kailangan n'yo pang magpunta dito?!" Isinampal ni Dex sa mukha nung isang lalaki ang hawak na notebook na galing din mismo dito. "E kung matiktikan kayo? Malilintikan kayong lahat sa akin!"

"Hindi naman po siguro, Boss. Mukha naman po kaming businessman sa suot namin e," katwiran nung lalaking kalbo.

Sinamaan agad ng tingin ni Dex ang nagsalita at gaya nung isa ay isinampal din niya yung notebook sa mukha nito. "Hindi porke mukha kayong matino e hindi na kayo mapaghihinalaan. F*cking stupid!"

Itinaas nung isang lalaking kalbo ang kamay nito para humingi ng permiso na magsalita. "Boss, napag-utusan lang naman po kami ni Alfred."

Naningkit ang mga mata ni Dex. "Ipapahamak ako ng walang utak n'yong leader!"

Sabay-sabay na yumuko yung apat na lalaki. Initsa ni Dex ang hawak na notebook sa office table nito at saka ito tumingin sa suot na relo. Tumingin ito sa pintuan at saka ibinalik ang tingin doon sa apat na lalaki.

"Magsilayas na kayo sa harapan ko."

"E Boss, wala ba kayong ipag-uutos?" nakangiting tanong nung kalbo. "Petiks ngayon ang tropa."

Ngumiti si Dex na kunwari ay nasiyahan sa natanggap na tanong. Itinuro nito ang pintuan. "Go and hang yourself."

Siniko nung lalaking kalbo yung katabi nito. "Tol, ano raw?"

"Magbigti ka raw."

Sabay-sabay na tumalikod yung tatlo. Napakamot ng ulo yung kalbo bago ito sumunod. Inis na naupo sa swivel chair si Dex at sinimulang buksan ang notebook na ibinigay sa kanya nung apat na lalaki.

Samantala, ingat na kumubli si Yohan sa katapat niyang table nang sa ganoon ay hindi siya makita nung apat na lalaki na lumabas mula sa opisina ni Dex. Sinuri niya ang itsura ng mga iyon.

Hindi nakaligtas sa kanyang alertong mga mata na may pagkakapareho yung apat na lalaki. Nakita niyang may mga tattoo ang ibabaw ng mga kaliwang kamay ng mga ito.

An X mark?

Nang tuluyang makaalis yung mga lalaki ay saka lang lumabas si Yohan sa pinagkukublian niya. Tinumbok agad ng kanyang mga mata ang pintuan ng opisina ni Dex at saka siya naglakad palapit doon.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon