CHAPTER: 17 (Another Demon)

40.6K 1.5K 635
                                    

"DON'T you dare to do that!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DON'T you dare to do that!

Nagtiim ang bagang ni Bright matapos niyang marinig ang sinabi ni Leonah sa kabilang linya. Lalo siyang nainis nang marinig niya ang pagtawa nito.

[Relax. Takot na takot ka naman masyado]

Inilipat ni Bright ang cellphone sa kaliwa niyang tenga. "Hindi ako nakikipaglaro sa'yo!"

[Yeah right. Ako rin naman e. We're not playing here. I'm so d*mn serious right now, Bright. I mean it, sasabihin ko talaga sa kanila ang tungkol sa anak atin]

"D*mn you!" bulalas ni Bright. Hindi niya napigilan ang sarili, nahampas niya ang isang display na nasa kanyang tapat. "Huwag mo akong pangunahan!"

[I'm so sorry, mainipin kasi ako e. Sa sobrang mainipin ko, may nasabihan na nga ako kanina lang]

Hindi nakaimik si Bright. Naningkit ang kanyang mga mata at saka siya napaisip. Nakaramdam siya ng kaba sa maaaring maging kahinatnan ng ginawang aksyon ni Leonah.

"S-Sino?" mahina pero mariing tanong ni Bright. "Sino ang sinabihan—"

Napalinga si Bright sa basta na lang bumukas na pintuan ng kanyang kwarto. Hindi niya inaasang makita ang biglang pagpasok ni Brenda. Dirediretso ito at biglang kinuha sa kanya ang kanyang cellphone.

"Is that her?"

Kumunot ang noo ni Bright. "Mom—"

Idinikit ni Brenda ang cellphone ni Bright sa tenga nito. "Meet me here in our Mansion. I wanna talk to you."

Napatingin si Bright sa kanyang cellphone nang pindutin na agad ni Brenda ang end call button at isauli iyon sa kanya. Hindi niya nagawang umimik ng titigan siya nito.

"Tell me the truth. Is it true?"

Nang maintindihan ni Bright ang nais malaman ng ina ay tumango na lamang siya. Hindi niya inaasahan nang bigla na lang itong yumakap sa kanya.

"Mom, it's not what I want. Hindi ko ginusto ang nangyari. Wala nga akong matandaan ng gabing 'yon. At isa pa, I am sick. Wala ako sa sarili ko dahil literal na wala akong maalala. Hindi ko siya mahal, Mom. Isang babae lang ang gusto kong makasama and it's definitely not her!" Nagmistulang isang bata si Bright na nagsusumbong sa kanyang ina.

Hinagod ni Brenda ang likod ni Bright. "It's okay son. Let me take care of this."

Napakalas ng yakap si Bright kay Brenda. Nakita niyang sumilay ang ngiti sa labi nito.




















"PASALAMAT ka nga hindi si Bright ang nagparusa sa'yo e."

Namaywang si Check. Nasaan ba kasi yung Surot na 'yon?

Ibinuhos ng dalawang estudyanteng lalaki na inutusan ni Check ang mga hawak nitong balde na puno ng ice cubes sa isang drum na kinalalagyan ng isang manyak na lalaki.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon