CHAPTER: 2 (Serious Problem)

78.7K 2.5K 706
                                    

"WHERE are you going?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHERE are you going?"

Nahinto sa paglalakad si Bright nang biglang tumambad sa harapan niya si Brenda. Hindi niya inaasahan na nakauwi na pala ito matapos mawala ng isang Linggo para sa isang business meeting sa Paris.

Nanatiling nakatikom ang bibig ni Bright. Ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad pero muli siyang napahinto nang marinig niya ang mariing pagtawag ni Brenda sa kanyang pangalan.

Nagbuga ng hangin si Bright. "Mom, let's talk some other time. I'm in a hurry."

"Bright, ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo?" Bakas sa mukha ni Brenda ang pagkadismaya nito. "Bakit hindi mo ako magawang sundin?"

"Mom—"

"Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng mga pinaghihirapan ko!" anito na nakaturo pa kay Bright.

"And i wish i was not."

Nagtiim ang bagang ni Brenda. Sumara din ang magkabilang palad nito. "I don't understand! Why are you doing this to me?!"

"I love you Mom. I need to go."

Nilagpasan ni Bright si Brenda. Sinalubong siya ng isang tauhan ng Mansion para kumpirmahin kung anong sasakyan ang nais niyang gamitin. Ipinahanda niya ang kanyang motorbike na siyang dadalhin niya papunta ng PHQ.

Lalong uminit ang ulo ni Brenda nang makita nito na sinalubong ni Yohan si Bright at sabay na naglakad ang dalawa. Bigla ring napataas ang kilay ni Brenda nang lingain nito si Frank at mahuli ang labas-ngipin na pagngiti nito.

"What?!"

Tumindig si Frank at bahagya itong yumuko. "Na-secure na po ni Roger ang kotse na sasakyan n'yo ngayong araw, Senyora," anito at saka inangat ang mukha.

Imbes na sumagot ay masamang tingin ang ipinukol ni Brenda kay Frank at saka ito naglakad papunta sa entrada ng Mansion. Natanaw pa nito ang magkasabay na pag-alis nina Yohan at Bright sakay ng mga motorbikes nito.

Bright, my dear son... you don't have a choice but to obey me. All i want is the best for you.


















NAUNTOG si Check sa security lock ng PHQ nang dahil sa kanyang pagkagulat. Pipindot na kasi sana siya nang biglang may dumantay na kamay sa kanan niyang balikat.

"Tsk! Hindi ka talaga marunong makinig."

Sinabayan ni Check ng ngisi ang kanyang pagharap sa nagsalita. Dalawang gwapong mukha ang tumambad sa kanya. Ang isa ay nakangiti at ang isa naman ay tila gusto siyang kainin ng buhay.

"Hi Yohan, hello Surot," bati niya kasabay ng mabilis na pagharap ulit sa digital security lock para pumindot doon.

Hindi pa man naididikit ni Check ang kanyang hintuturo doon sa security lock ay napaatras agad siya nang hilahin ni Bright ang damit niya sa kanyang batok para ilayo.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon