Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ALERTONG nagtakbuhan ang mga nagsasanay sa V.Camp nang makarinig ang mga ito ng malakas na pagsabog. Mabilis na tinulungan ng mga ito ang ilang mga sugatang kasamahan para ilabas sa sumabog na barracks.
"Anong nangyari?!" salubong ni Frank sa isang trainee na may pasan na isang sugatan.
"Boss, hindi po namin alam. Nagulat na lang kami nang marinig namin yung pagsabog."
Nilinga-linga ni Roger ang mga nakikitang sugatan. Nagtinginan sila ni Frank. Iisa lang ang pumasok sa isipan nila na siyang may gawa ng pagsabog na iyon, ang UrbanX.
"Galvez, tumawag ka ng ambulansiya!" utos ni Roger.
Nang makita nina Frank at Roger na dumating na rin ang Duktor at ilang mga nurse ng kampo ay agad silang kumilos para tumulong na bigyan ng first aid ang mga nasugatan. Hindi napigilang mapamura ni Frank nang makita ang ilan sa mga kasamahan na naputulan ng binti at braso.
"Hang on mate! Gising, Carlo! Parating na ang mga ambulansiya," anang isang trainee sa malapit nitong kasamahan. Dahil magkatabi lang ang stretcher nila ay nagawa nitong hawakan sa braso ang walang malay na kaibigan. "Carlo!"
Lumipat yung Duktor para tignan ang kalagayan nung Carlo nang mapansin nitong tila hindi na ito humihinga. Tinawag nito si Frank at saka ito umiling bilang senyas para ipaalam na wala na itong buhay.
"Sh*t!" usal ni Frank.
"Hindi natin napaghandaan ito," ani Roger kay Frank habang tinatalian ang sugat sa kamay ng isang trainee. "Nagawa nilang magpasok ng bomba," pabulong nitong dagdag.
Makalipas lang ang sampung minuto ay nakarating na agad ang ilang mga ambulansiya na nanggaling sa pinakamalapit na ospital. Dali-daling isinampa ang mga nasugatan. Pinakiusapan ni Frank si Roger na ito na ang sumama para madaling maasikaso ang mga records ng pasyente.
Tinawagan ni Frank si Brenda. Nagulat ito sa nalaman ngunit gustuhin man nitong puntahan sila ay hindi nito magagawa dahil ngayong araw na ang ribbon-cutting ng joint business nito kay Dex. Sinabi nito kay Frank na tatawagan nito si Bright para papuntahin sa V.Camp.
Nang ibaba na ni Frank ang tawag ay naningkit ang mga mata nito dahil sa hindi inaasahang bisita. Sakay ng kotse ay hinayaan ng bantay ng gate na pumasok si Yohan at dumiretso mismo sa tapat ni Frank. Agad na binuksan nito ang pintuan ng kotse at saka bumaba.
"Master."
Nagpalinga-linga si Yohan ng may pagtataka. "What is happening here? Bakit maraming sugatan?"
"May nagpasabog ng bomba," sagot ni Frank kasabay ng pagsara ng mga kamao nito. "May suspetsa kami kung sino ang—"
"F*ck him!" bulalas ni Yohan na ikinagulat ni Frank. "I'm late!"
Nagpalakad-lakad si Yohan dahil hindi ito mapakali. Nagtatakang sinusundan naman ito ng tingin ni Frank. Mayamaya lang ay napasipa ito sa gulong nung kotse nito pagkatapos ay saka nito binuksan yung pintuan sa driver seat.