CHAPTER: 5 (Fight For Us)

60.1K 2.1K 329
                                    

NARINIG na ni Reiko ang tunog ng bell pero nanatili pa rin siyang tulala sa kanyang puwesto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARINIG na ni Reiko ang tunog ng bell pero nanatili pa rin siyang tulala sa kanyang puwesto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang nangyari sa kanya nung nakaraang araw na labis niyang ikinainis.

•Flashback•

Gaya ng inaasahan ay wala pa ngang taong nadatnan si Reiko sa designated classroom nila sa M.Department building. Pinili niyang maupo sa parteng gitna gaya ng sinabi ng amang si Ernest sa kanya.

Nang makaupo ay naalala niya ang kanyang mga dala. Nilinga niya ang mahabang locker na nandoon din mismo sa likuran ng silid na iyon. Muling siyang tumayo dala ang kanyang bag at naglakad papunta doon.

"I should pick that one," aniya na nasa huling divisyon ng locker nakatingin.

Ipinasok ni Reiko ang dalang mga libro sa napili niyang locker. Nagmistulang isang bookshelf iyon kung mapapansin ang ginawa niyang pag-aayos sa loob nung mga libro.

Nang isasara na niya yung locker ay napalinga siya nang maramdaman niya na may iba ng tao na sa silid. Hindi niya inaasahan na makikita niya yung nakabanggaan niyang lalaki. Nakaupo iyon sa unang hanay habang nakayuko. Mukhang nagbabasa ito ng libro.

Kagat-labing bumalik ng tahimik si Reiko sa napili niyang puwesto. Hindi niya inaalis ang kanyang tingin doon sa lalaki na abala pa rin sa pagbabasa.

Now, how can i tell him?

"Paano ko sasabihin na nasa kanya yung isa kong libro?" bulong ni Reiko.

Lumipas ang 30 minuto. Unti-unti nang nagdatingan ang ilan. Wala ng oras para magpatumpik-tumpik pa kung kaya't nagdesisyon na siyang tumayo para lapitan yung lalaki. Nang maglalakad na siya palapit ay biglang tumunog yung bell. Nagulat siya nang tumindig yung lalaki.

Hindi inaasahan ni Reiko ang sumunod niyang nakita, pumuwesto yung lalaki sa harapan... sa flatform na siyang tinutungtungan ng isang professor.

What?!

Napa-atras si Reiko ng wala sa oras. Agad siyang bumalik sa kanyang upuan. "So, he is the one?"

Tumalikod yung lalaki at nagsimulang magsulat sa harapan. Malinaw nitong isinulat ang sarili nitong pangalan at agad ring humarap sa 15 estudyanteng tuturuan nito, kabilang si Reiko.

"Dylan Dizon," mahinang basa ni Reiko sa nakasulat pagkatapos ay inilipat ang tingin sa may-ari nung pangalan.

"Good afternoon," bati ni Dylan, iginala nito ang mata sa paligid. "I'm Dylan Dizon, and yes... i will be your instructor, your mentor, your tutor, your lecturer... your professor."

Muling nagsulat sa white board si Dylan at inutos nito na kopyahin iyon. Makikitang sa sentro ng white board ito nagsusulat. Isinulat nito ang time schedule ng lahat ng subjects na ituturo nito. Tahimik ang lahat na sinundan ang pagsusulat nito maliban kay Reiko na abala sa pagsipat ng mga patong-patong na libro ni Dylan sa harapan.

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon