"PAKNER, i can't make it up there. I'm so sorry. Actually naka-ready na ako, kaya lang tumawag si Mommy... may biglaang meeting daw kami ngayon sa Le Gracia. Sorry talaga ha? Bawi na lang ako sa'yo next time."
[Aww, gan'on ba Pakner? Sayang naman]
"Where is Bright? Baka siya pwede ka niyang masamahan sa pamamasyal?"
[He cannot joining me. He tells me he doing important today]
"Naku, paano 'yan?" Lumungkot ang mukha ni Jane dahil sa panghihinayang. Ang totoo kasi ay sabik din siyang makalabas kasama ang bestfriend na si Check. "Sorry talaga, Pakner," lumabi siya.
[Luh! Okay lang Pakner. Sasama na lang ako kay Kuya sa pagpunta kayna Rue]
"Are you sure?"
[Yeah! Very very sureness!]
Narinig ni Jane na may kumatok. Habang kausap si Check sa kabilang linya ay tinungo niya ang pintuan ng kanyang kwarto para pagbuksan ang nasa labas. Nang makita niya ang kanyang Yayang si Amanda ay nagpaalam na siya kay Check dahil alam na niya ang sasabihin nito.
"Nakahanda na yung kotse. Inaantay ka na sa labas," nakangiting sabi ni Amanda.
"Wait lang Yaya Amie," tugon niya, nagmadali siyang kunin ang isang pink pouch na nakapatong sa kanyang vanity mirror at pinasadahang tignan ang sarili. "What do you think Yaya?" aniya sabay harap kay Amanda.
"Perfect," simpleng tugon nito sabay ngiti ng malaki.
Bumaba na si Jane at sumakay na ng kotse. Habang nasa byahe ay ka-text niya si Yohan na kasalukuyang nasa PHQ ngayon kasama ng ibang PRIME. Nakaramdam siya ng pagkasabik nang sabihin nito sa kanya na may binili itong isang bagay na para sa kanilang dalawa.
Dahil walang ibang kasama ay nagkusa na yung driver ni Jane na ihatid siya hanggang sa loob. Makailang ulit na siyang nakapunta sa sikat na hotel and restaurant na iyon ngunit hindi pa rin niya makabisado ang daan sa laki ng lugar.
"Mom? I'm here," bungad niya nang sagutin agad ni Natally ang kanyang tawag.
"Ms.Jane Williams?" Ngumiti ang isang lalaki na siyang assistant manager ng Le Garacia. "This way please," anito habang nakalahad ang palad para ituro ang daan.
Nginitian muna ni Jane yung assistant manager bago binalikan ang kausap sa kabilang linya. "Yeah Mom, be there in a sec."
Sinabayan si Jane sa paglalakad nung assistant manager. Ilang saglit lang ay narating na nila ang isang private room kung saan naghihintay si Natally at ang taong sinasabi nito na kailangan niyang makilala.
Bumukas ang automatic glass door at pumasok si Jane sa loob. Nakita niya agad si Natally na nahinto sa pagku-kwento sa kausap nang makita siya. Habang palapit ay sa lalaking kasama ni Natally nakatuon ang mga mata ni Jane. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay bigla itong tumayo at luminga sa kanya.