Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"CUTIEPIE, this is Meigne," pakilala ni Cheena sa bagong dating. "Anak siya ni Mrs.Garcia, yung dati kong landlady.
"Yow." Inilahad ni Bogz ang kamay niya sa dalagitang si Meigne.
"Hello po Kuya," ani Meigne sabay abot sa kamay ni Bogz. "Ang cute n'yo po."
Hinawi ni Bogz ang buhok niya. "Cute lang? Hindi gwapo?"
Ngumisi si Meigne at saka sinuri ang mukha ni Bogz. "Gwapo rin naman po... pero mas swak po yung cute."
"Well," tugon ni Bogz sabay himas sa kanyang baba.
"Close po kami ni Ate Cheena," pagbabahagi ni Meigne. "Siya nga po ang nag-a-advice sa akin dati sa pagpili ng boyfriend."
Nilinga ni Bogz ang katabi sa upuan na si Cheena. "Baka naman sinabi mo sa kanya na maghanap ng gaya ko, endangered na 'to oy. I'm a living legend."
"Mukha nga po," seryosong wika ni Meigne.
Dahil sa kakulitan ng mukha ni Bogz na resulta ng pagpapa-gwapo nito ay nakurot ito ng paulit-ulit ni Cheena. Natatawa na lang ang dalagitang si Meigne habang pinapanood ang dalawa.
Nakangiting inakbayan ni Cheena si Bogz. "Cutie, graduating na 'yan si Meigne. Dito niya piniling mag-OJT sa cafe since HRM naman ang course niya," pagkukuwento nito. "Sabi ko nga bakit dito pa sa Sugar House samantalagang pwede naman niyang subukan sa mas kilalang restaurants or hotels. Record din 'yon sa credentials niya 'di ba?"
Kumunot ang noo ni Bogz. "Bakit naman? Hindi ba kilala naman 'tong cafe?" Humalukipkip siya at dumekwatro pa ng upo. "Sayang, kung sa P.U ka nag-aral wala ng yung ojt-ojt na 'yan. Lahat ng graduate doon napapasok na agad ng trabaho, hindi mo na kailangang mag-apply... ikaw na mismo ang tatawagan," may yabang na saad niya.
Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan ng tatlo. Nalaman ni Bogz na makulit at prangka kung magsalita ang dalagitang si Meigne. Pinagpapasalamat na rin ni Bogz na naging kaibigan ito ng kaniyang girlfriend dahil isa pala ito sa madalas na nalalapitan ni Cheena noong panahon na hirap ito sa pera.
Nahinto ang masayang kuwentuhan nang tatlo nang dumating si Ethan. Pormang businessman talaga ang dating nito at may bitbit pang isang attache case. Tumayo agad si Cheena at kinamusta ito.
Sinuyod ni Bogz ng tingin si Ethan. Tss! Bakit nandito na naman 'tong panget na 'to?
"Kuya Ethan, is that you?"
"Hey," labas-ngipin na ngumiti si Ethan."You're Meigne, right? How are you? It's been a long time."
"Ang gwapo-gwapo mo pa rin Kuya!" may paghangang puri ni Meigne. "Ay mali! Mas lalo kang gumwapo ngayon. Sayang po, hindi naging kayo ni Ate Cheena," anito na hininaan ang huling linyang sinabi.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bogz dahil kahit mahina ay narinig pa rin niya ang sinabi ng prangkang si Meigne. Tinignan niya si Cheena na halatang nahiya sa sinabi ni Meigne. Tumayo siya, dinikitan niya si Cheena at saka inakbayan.