CHAPTER: 21 (Despair)

40.8K 1.6K 648
                                    

"CHECK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"CHECK."

Napabalikwas ng bangon si Check nang marinig niya ang pagtawag ni Xyro sa labas ng kanyang kwarto. Mukhang paakyat ito ng hagdan. Pagtayo niya ng kanyang kama ay narinig naman niya ang pagkatok nito sa pintuan. Nagpasalamat siya sa kanyang sarili dahil nai-lock niya iyon.

Mabilis niyang sinilip ang kanyang sarili sa salamin. Napakagat-labi siya nang makita niyang namamaga ang kanyang mga mata. Natataranta niyang sinuklay ang nakalugay niyang buhok habang nag-iisip ng kanyang gagawin.

"Check?" tawag ni Xyro sa labas ng pintuan. "Sleepyhead! Open the door."

Ipinagpag-pagpag ni Check ang kanyang mga kamay habang paikot-ikot sa kanyang kwarto. Nang mamataan niya ang nakasuot na shades sa kanyang angry bird stuffed toy ay dali-dali niyang kinuha iyon at saka isinuot. Mabilis niya ring dinampot ang kanyang gitara pagkatapos ay saka niya binuksan ang pintuan.

"Oh Kuya! Nakauwi na pala kayo," ani Check sabay ngiti ng malaki. "Nasaan si Rue?" tanong niya at kunwari ay nagpalinga-linga para hanapin si Rue.

"Sa kanila kami dumiretso para ihatid siya," tugon ni Xyro habang nakakunot ang noo. Sinuri nito ang itsura ni Check. "Ihahatid ko na lang mamaya sina Chiro sa kanila," anito habang titig na titig sa kanya.

"A-Ah gan'on ba," ani Check sabay ngiti ulit.

Bahagyang napaatras si Check nang biglang itaas ni Xyro ang kamay nito. Dinama nito ang kanyang noo maging ang kanyang leeg.

"Okay ka naman," ani Xyro.

"Huh?" nakangangang sambit ni Check. "O-Oo naman Kuya. Wala akong sakit 'no."

Tuluyang napaatras si Check nang maglakad papasok si Xyro sa kanyang kwarto. Sinuyod ng mga mata nito ang kabuuan ng kanyang kwarto hanggang sa tinumbok noon ang kanyang magulong kama.

 Sinuyod ng mga mata nito ang kabuuan ng kanyang kwarto hanggang sa tinumbok noon ang kanyang magulong kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis na umupo si Check sa dulo ng kanyang kama at saka ikinandong ang kanyang gitara. Nginitian niya si Xyro nang makita niyang nakatingin ito sa kanya.

"You're not okay."

Ngumuso si Check. "Luh! Why you saying that? Haha! I'm fine, no worry."

"Hindi ka ulit nakapasok. Dapat siguro magpa-check up ka na. May masakit ba sa'yo?"

MS.RIGHT3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon