One - Single Father

6.7K 124 2
                                    


Jacob,

"Good morning!! my sweet little angle, so sasama ka ulit kay Daddy sa office ha.."sabi ko sa anak ko kahit di pa sya sumasagot.

Yes I'm a single father with six months old daughter. Will, unfortunately her mother left me because of our differences in life. Una ayaw nya talagang magkaanak dahil daw sa di na nya magagawa ang gusto nya. Pangalawa masisira ang figure nya at pangatlo ayaw nya mag alaga ng bata. Sad to say my little angel is not in included in the planned pero dumating sya at ayaw ko naman ipapalaglag sya ng girlfriend ko dahil isang malaking kasalanan yun sa Dios. We have agreement na after syang manganak iiwan nya ang baby sa akin and i'm so happy about it. At eto na nga dumating na ang araw na iniwan na kami ng girlfriend ko. Nung una nahirapan ako pero sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin lalong lalo na ang Mama ko "she's my hero". nakayanan ko naman lahat.

"Jacob dadalhin mo ba ulit si Samantha sa opisina mo?..tanong ni Mama sa akin.

"Of course Ma, di ko naman pweding iwan yan dito mag isa.

"Iho anak, nandito naman kami, kaya kung bantayan yan at ano bang ginagawa ng mga maids ko sa bahay.."sabi ulit ni Mama.

"Ma thanks, pero gusto ko kasama ko anak ko sa trabaho at mababantayan ko sya ng maayos. Alam ko na gustong gusto sya ng lahat ng tao sa bahay nyo pero Ma responsibilidad ko ang anak ko kaya thank you very much, i swear kayang kaya ko syang bantayan.

"Anak concern lang ako sa inyong dalawa. Araw araw kayong nasa labas what if..

"Ma, please walang mangyayari sa amin and please don't think about that kasi nakakatakot.."putol ko sa sinabi ni Mama.

"Sya, sya, ganito na lang anak bakit kaya di ka maghanap ng yaya ng anak mo para kahit nasa office ka may magbabantay sa kanya.."suggest ni Mama.

"Ma pag isipan ko, pakiayos na lang po ng gamit ni Samantha at magshower na ako, please malalate na kami.."pakiusap ko naman ko kanya.

"Okay, okay, just please think about it son. Para din naman sayo yun anak please..."hirit pa ulit ni Mama.

"Okay Ma.."sabi ko na lang sa kanya.

Pumasok na ako sa banyo at nagshower. Maya pa natapos na rin ako sa pag aayos at dinampot ang bag na may lamang gamit ni Samantha at laptop ko. Pagkalabas ko nakabihis na rin ang baby ko at handa na umalis pero si Mama nagluto pala ng almusal kaya pinigilan nya ako.

"Jacob kumain ka, masama yang di nag aalmusal. Don't worry about Samantha nakakain na sya.."sabi nya at sabay kuha kay Samantha sa akin.

Habang nag aalmusal ako nilalaro naman ni Mama si Samantha. Nakakalungkot lang dahil mararanasan ng anak ko ang lumaking walang ina. Di katulad ko lumaki na buo ang pamilya at nagmamahalan. Kasalanan namin ni Vivian ang lahat pero i promised to myself na gagawin ko lahat para maging masaya ang anak ko. After kung kumain dali dali na akong tumayo, baka matraffic kami and thank god dumating na rin Nina ang on call house keeper ko. Kaya okay ng iwan ang condo unit ko. Dahil pag si Mama ang naiwanan dito sigurado akong maiiba ang ayos ng buong condo unit ko. Maya maya nakababa ng kami ni Samantha sa basement at nakapasok na rin sa sasakyan.

"Baby behave okay! while Dada's driving..."sabi ko sa anak kung nakatitig lang sa akin.

Wala syang kaalam alam sa buong paligid nya kung ano ang araw araw nyang nararanasan na kasama ako papasok ng opisina at pauwi ng condo.Ayaw kung iwan si Samantha dahil di ako mapapakali sa opisina at hindi ako makapagfocus sa trabaho ko. Yes, i have several companies to run, as a single father is stressful but its all about time management. On the way na kami sa opisina, pagkalabas pa lang namin basement ng building, traffic na. Oo, di naman ganun kalayo ang opisina ko galing sa condo ko, siguro mga ten minutes lang kung walang traffic.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon