Vanessa,
Nakapasok na kami sa loob ng kwarto ni Ms. Jane, tahimik pa rin ako habang tinatanggal ko ang hand gloves at shawl na nakabalabal sa leeg ko. "Mamaya na lang kita ibabalik dahil mukhang wala sa mood ang may ari nyo" sabi ng isip ko at lumapit sa may closet para ipasok sa loob ang shawl at gloves.
"Vanessa okay ka lang?..tanong ni Ms. Jane na kanina pa pala ako pinakikiramdaman.
"Hindi e, piling ko galit si sir Jacob sa akin dahil sa nangyari sa loob ng coffee shop.."malungkot na sabi ko habang tinatanggal ang sapatos ko.
"Ano ba kasing nangyari di ko nakita kasi pinauna na kami ng pinalabas ni boss.
Nagkwento ako kay Ms. Jane tungkol sa nangyari kanina. At kung paano ako pinagtanggol ni Jacob sa pervert na foreigner yun. Nakangiti si Ms. Jane na para bang may ibig sabihin ang mga ngiti nya.
"Ganda mo kasi Dai. Kahit sinong lalaki poprotekhan ka. Haba ng hair mo girl oh, naaapakan ko na.."panunukso ni Ms. Jane.
"Ms. Jane wag kang magbiro. Muntik na ngang mapaaway yung boss natin dahil sa kakagawan ko.
"Kahit sinong babae ipagtatanggol ni sir Jacob. Mataas ang respeto nun sa mga babae dahil puro babae ang kapatid nun at may anak din sya babae.
Ganun ba! sabi ng isip. Akala pinagtanggol nya ako dahil may kung ano pero dahil sa babae pala ako at kailangan protekhan. Medyo nalungkot ako sa sinabi ni ms. Jane, "wag kang assuming" sabi ng isip ko. Lumapit ako kama at humiga, tumitig sa kisami at inaalala kung paano nya itinulak ang manyak na yun. Ng may naalala ako sa sinabi ni Jacob sa foreigner kanina "don't touch my girl" eh anong ibig sabihin dun?. Napailing iling na ako, ayaw ko ng bigyan ng ibang ibig sabihin pa yun. Baka mali ang iniisip ko, ayaw kung isiping may gusto sya sa akin dahil hindi pwede yun isa lang akong yaya ng anak nya.
"Vanessa alam mo nung makita ko kayo magkahawak kamay ni boss kanina at pinabuksan ka nya ng pinto. Piling ko may something, i think he cares for you.."biglang sabi ni Ms. Jane sa akin.
"Hum! Ms. Jane hinawakan lang ako dahil gusto nyang ilayo ako sa manyak na lalaking yun at para makaiwas sa gulo.
"Hindi eh, basta may kakaibang spark sa mga mata nya habang hawak hawak ka nya.
"Ms. Jane tandaan mo yaya lang ako. Siguro mabait lang talaga si boss.."sabi ko na lang dahil ayaw kung patulan ang sinabi nya.
"Wanna bet?..ngiting sabi ni Ms. Jane na parang kinikilig.
Kunwaring tumawa ako para di mahalata ni Ms. Jane na kinikilig din ako. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko para makapagshower. Ayaw ko ng pag usapan ang nangyari kanina. After ko mag shower mabilis na akong nagbihis at lumabas ng banyo. Nakatulog na si Ms. Jane at ang lakas pa ng hilik. Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko, tiningnan kung may text galing sa magulang ko at mga kapatid pero ni isa wala. Habang tinitingnan ko ang cellphone ko napaitlag ako ng may nagdoorbell. Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ng pinto. Medyo napasinghap pa ako ng makita ko si sir Jacob nakatayo sa harapan ng kwarto namin habang karga karga nya si Sam.
"Sir may kailangan po kayo?..tanong ko agad agad.
"Yes, you, ah i mean please come to my room. Etong si Sam ayaw pang matulog and i want to get a nap..diretsong sabi nya na parang nahiya.
"Okay sir susunod na ako.."sabi ko.
"Thanks.."at dali dali na nila akong tinalikuran.
Bumalik ako sa loob ng kwarto at nagsuklay, nagpabango. "Gaga bakit ka nagpapabango" sabi ko sa sarili ko. Napailing na lang ako at dali daling dinampot ang shawl, hand gloves at mabilis na lumabas ng kwarto. Naabutan kung nakabukas ang pinto ng kwarto nila kaya tuloy tuloy na akong pumasok. Nasa may maliit na sopa silang dalawa, naglalaro si Sam ng mga blocks na dala dala namin habang nakaupo sya sa carpeted floor. Inilapag ko ang shawl at gloves sa maliit na mesa at lumapit ako sa kanila,
![](https://img.wattpad.com/cover/116795068-288-k648627.jpg)
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.