.....Two years past.....
Vanessa,
" Mabuhay!! welcome to the philippines.."
Sabi ng flight attendant ng makalapag ang eroplanong sinakyan ko. Oo dalawang taon na ang lumipas pagkatapos ng mga nangyari sa akin. At eto na nga ako sa wakas nakabalik na rin sa pilipinas pagkatapos ng dalawang taon kung pakikipagsapalaran sa France. At eto nga sa wakas graduate na at isa na akong fashion designer at nagtatrabaho na rin sa isang sikat na clothing company sa France. Umuwi lang ako dahil gagraduate si bunso, kung hindi ako dadalo baka magtampo ang ang kapatid ko. Di na ako mapakali habang pumipila ako pababa ng eroplano. Excited ako makita ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Oo nga pala si Kuya Macky nag asawa na at may anak na sila na isang taon kaya excited akong makita ang pamangkin ko sa unang pagkakataon. Ang bilis ng panahon at simula din nung umalis ako ng pinas wala na akong balita tungkol kay Sam at Jacob. "Kumusta na kaya sila" tanong ng isip ko, napabuntong hininga na lang ako at mabilis ng bumaba ng eroplano. Di na ako makapaghintay na makita ang mga mahal ko sa buhay, habang nasa harap ako ng conveyor naghihintay ng mga malita ko. May nakita akong mag ama at karga karga ang anak nya siguro nasa dalawang taon na ang baby nya. Ang sweet nila tingnan, hindi ko alam pero habang nakatingin ako sa kanila nalungkot ako sa nakikita ko at naalala ko si Jacob at Sam. Honestly, namimiss ko na si Sam at yung mga paglalambing nya sa akin. Masakit sa akin ang ginawa kung talikuran sya at idamay ang inusinting bata yun. Kaya ko lang din naman nagawa yun dahil baka isang araw masasakatan ako kapag dumating ang panahon na mapalapit sya sa tunay nyang ina. Simpli akong umiling para mawala sa isip ko ang mga nakaraan. Mabilis ko kinuha ang mga malita ko ng makita ko eto sa conveyor. Isa isa kung dinampot at inilgay sa cart at mabilis na lumabas ng airport. Ilang sigundo lang akong nakatayo sa may waiting area ng may naririnig akong nagsisigaw,
"Samantha, Samantha...
Kinabahan akong napatingin sa kung saan nangaling yung sigaw na yun. Nakita ko agad isang napagandang babaing sinalubong ng nanay nya. Napailing ako sa mga inisip ko, "Vanessa okay ka lang ba? ano ba kasi yang iniisip mo? tanong ko sa sarili ko. Maya pa may sumigaw naman ulit at boses na ng kapatid ko ang naririnig ko. Ng makita ko sila, tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko namiss ko ang kapatid ko. At mas lalo naman akong naluha pa sa tuwa ng makita ko si Nanay may karga karga na baby at sila Papa at kuya. Mabilis kung itinulak ang push cart at mabilis na lumapit sa kanila. Nagyakapan agad kami at di na mapigilan ang sarili na maiyak sa tuwa dahil eto after two years nakita ko sila ulit, miss na miss ko silang lahat.
"Wow! ate ikaw ba yan. Ang ganda mo naman mukha kang ng french fries.."biro ni Ikai sa akin.
"Sira.."sabay gulo ko sa buhok nya at kinuha ang pamangkin ko.
"O ayan ate meet your kamukha.."sabi ni Ikai ulit.
Nagtawanan kaming lahat, pinangigilan ko ang pamangkin ko ang cute kasi ang taba taba. Maya pa niyaya na kami ni Papa na sumakay sa jeep nya at ng makauwi na. Masaya kaming sumakay sa sasakyan pero sa kabila ng lahat bakit parang piling ko may kulang. Hindi talaga kumpleto ang pagiging masaya parang may hinahanap ako at may gusto ako malalaman. Binaliwa ko na lang ang pakiramdam na yun at nakipagkwentuhan na lang kina Nanay.
"Vanessa akala ko ba magdadala ka ng french boyfriend?..birong tanong ni kuya.
"Oo andyan pinasok ko sa malita dahil wala syang pamasahe.."biro kung ding sagot.
"Ate may boyfriend kana?..tanong ni Ikai na parang galit ang mukha.
"Eh ano naman ngayon magkaboyfriend ang ate mo. Single naman sya.."sabat ni Mama sa amin.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.