Forty Eight /Single Father

1.7K 61 4
                                    

Vanessa,

    

     "Hi! Maam Thea...bati agad ni Ms. Jane kay Thea ng makapasok na sya sa sasakyan.

     Simpli lang syang ngumiti kay Ms. Jane at bumalik agad ang tingin sa akin. Ako naman nagfroze sa may pintuan ng sasakyan. Tinitigan ako ni Ms. Jane, gusto ko ng umatras at wag ng tumuloy sa pagsama kay Ms. Jane. Kaya lang no choice na ako dahil nakita na rin ako ni Thea. Kaya lakas loob akong bumati sa kanya kahit natatakot ako at di ko alam kung matutuwa sya o magagalit sa biglang pagpakita ko.

    "Hi! Thea..."kinabahan kung bati sa kanya.

    Ang sumunod na nangyari ay di ko inasahan. Mabilis syang bumaba ng sasakayan at yumakap sa akin. Di ako makapagsalita, di ako nakakilos, di ko alam kung yayakapin ko din ba sya pabalik.  Matagal nya akong niyakap, piling ko naman ate nya ako na matagal nyang di nakita. Bumagsak na naman ang mga luha ko sa sobrang saya, akala ko galit sya sa akin o di kaya susumbatan nya ako. Pero eto sya tuwang tuwa ng makita ako,

   "I'm glad your back.."mangiyak ngiyak nyang sabi sa akin at humigpit pa ang yakap nya.

     Para syang si Ikai nung una kaming nagkita sa airport na mangiyak ngiyak din ng makita ako. Yumakap na ako pabalik sa kanya, kahit si Ms. Jane na nakatingin sa amin napaluha din. Maya pa bumitaw sya, hinawakan ang isa kung kamay at masaya syang tinitigan ako. Sabay pa kaming nag punas ng luha namin, at sabay ding tumawa. Sobrang saya ko, nakakagaan ng pakiramdam na sa kabila ng lahat ng nangyari, di sya galit sa akin. Niyaya na nya akong sumakay na hindi binibitawan ang kamay ko. Masaya kaming sumakay ng sasakayan at kahit si Mang George napangiti sa akin ng makita nya ako kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya. Mabilis na kaming umalis at on the way na para sunduin si Samantha.  Habang nasa daan kami masayang nagkwento si Thea about kaya Sam.

     "Ate Van, Samantha is already big girl now. Lagi ka naming kinukwento ni Nina sa kanya para di ka nya makalimutan. At pinapakita namin ang picture mo sa kanya. Kahit nagagalit si Kuya Jacob sa akin but i don't care kasi ramdam ko babalikan mo sila.."masayang kwento ni Thea sa akin.

     Nalungkot at medyo nasaktan ako sa sinabi ni Thea na nagagalit si Jacob kapag binabanggit nila ako kay Sam pero i think i deserve it. Alam ko mas lalo kung nasakatan si Jacob ng dahil sa huli kung text message sa kanya patungkol kay Samantha. Marami pang ikinuwento si Thea about kay baby Sam at hanggang sa napunta ang kwento nya kay Jacob.

    "Ate Vanessa alam mo na bang di nakakalad si Kuya Jacob..."sabi nya na parang maiyak na.

    Tumango lang ako at hinawakan ang kamay nya. Dahil ramdam ko maiiyak na sya kaya mahigpit kung hinawakan ang mga kamay nya. Humugot sya ng hangin at nagsalita ulit.

    "I'm pretty sure naikwento na ni Ms. Jane sayo ang nangyari right? " sabay tingin kay Ms. Jane then bumalik ulit ang tingin nya sa akin. "You know, nagbago ang ugali ni kuya, his super masunggit and quiet. His stay away from everybody, he doesn't talk that much. Kahit kami nila ate minsan na lang nya kaming kinakausap. He changed a lot, pati histura nya nagbago na rin. He doesn't even bothered to shave, ayaw nya makita sarili nya sa salamin. Ate please we need your help para bumalik sya sa dati. Alam ko mababago mo sya, ikaw na lang pag asa ko para bumalik ang sigla ni kuya at bumalik yung dating Jacob. I missed  him so much..."malungkot na pakiusap ni Thea sa akin at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha nya.

   "Thea i can't promise pero hayaan mo susubukan ko. Kaya lang wag na muna ngayon, pag iisipan ko muna kung papaano. Im sure galit yun sa akin kaya mag isip muna tayo ng paraan paano ako babalik. At saka isa pa may naghihintay pa sa akin na trabaho sa France.."malungkot ko ding sagot.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon