Vanessa,Maaga akong nagising dahil disidido akong mag apply ngayon. At buti na lang din nagkataon na day off ko . Pagkatapos kung maligo dali dali na ako magbihis dinampot ang brown folder na may lamang mga requirements ko at bumaba na agad ako. Naabutan ko si Ikai at Tatay na kumakain ng almusal,
"O papasok ka? day off mo ngayon diba?..sunod sunod na tanong ni Tatay.
"Mag aapply po ako ng isang trabaho,baka malay mo mataas ang sasahurin ko.."sagot ko kay Tatay.
"Anong trabaho naman yan anak, dahan dahan naman bata ka pa para magsubsub sa trabaho. Pag nakaalis naman si kuya mo pwede kanang bumalik ulit sa pagiging nurse mo.."malungkot na sabi ni Mama.
"Oo nga naman anak, ilang buwan na lang mababayaran na rin ang utang natin sa bangko. Makakapag aral kana ulit..."singit ni Tatay.
"Tay, Ma, pansamantala lang naman para makapag ipon. Kaya ko naman at eto aaplayin kung trabaho stay in to. Minos gastos din yun.
"Ate ano ba kasi yung aaplayan mo ha?..singit ni bunso.
"Professional nanny.."mahinang sagot ko.
Nanlaki mata nilang tatlo, alam ko nagulat sila sa sinabi ko at di nila inaasahan na yaya ang inaaplayan ko.
"Jusme! naman ate sa ganda mo yang yaya lang ang aaplayan mo. Alam mo bang kasing ganda ka kaya ni Bea Alonzo, lamang lang sya ng isang paligo sayo. Tapos magyaya ka lang, ate naman sira ka na ba? tawang sabi ni bunso.
"Hoy! Angela wag mong nilalang ang yaya, sa ibang bansa nga ang lalaki ng sahod nila at marangal nabtrabaho yun.."saway ni Mama sa kapatid ko.
"Oo nga naman anak, di bagay sayo yun. Mag aral ka na lang ulit.."hirit ni Tatay.
Kumain na lang ako at di na pinapansin ang mga sinabi nila sa akin. Maya maya pa sabay sabay na kami nila Tatay at bunso na umalis ng bahay hinatid ako ni Tatay sa may sakayan, iba kasi ang rota nya kaya di ako pweding sumabay sa kanila pero si Ikai, oo maiibaba sya ni Tatay sa mismo school nya. Nakasakay na ako sa fx papuntang sa address na nakasulat sa ads. "Sana malaking ang sahod at sana kung matanggap ako di makulit ang batang babatayan ko"sabi ng isip ko. Malapit na ako sa building na pupuntahan ko, pumara agad ako at dali daling bumaba ng fx. Tumawid ako sa kabila at maya pa nasa harap na ako ng building. Tiningnan ko muna ang relo, medyo maaga pa kaya tumayo muna ako sa labas nag papalipas ng ilang minuto. Habang napapalipas ng oras may nakita akong isang lalaki nakapormal ng suot pero may dalang bata papasok sa building. "Ah ang sweet naman nila magkasama sila "sabi ng isip ko. Tiningnan ko ang baby, ang ganda at ang sarap panggigilan ang pisngi. "Bakit ang mga baby mukhang mga ang anghel pero paglumaki mukhang mga iwan na" sabi ulit ng isip ko. Ng natapat sila sa akin nalaglag ang isang pares ng sapatos ng baby kaya dali dali kung dinampot.
"Sir excuse me, naglaglag po ang isang sapatos ng baby nyo.."sabi ko sa lalaking may karga sa bata.
Ng tumingin sya sa akin, "holymolly" ang gwapo nya. Para syang spanish actor, napangiti sya sa akin kaya naman ngumiti din ako pabalik, then yung baby sabi, "bah, bah" at nakangiti.
"Hi baby, o eto na shoe mo..."ngiti kung sabi sa bata at nagclaps sya ng kamay nya at tumitig sa akin.
"Thank you Ms..."sabi naman ng lalaki na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"Oh sorry, walang ano man sir.."sabi ko na lang at umatras para makadaan sila.
Tuloy na silang pumasok, binati agad sila ng guard. At bumati naman yung lalaki pabalik sa guard at tuloy tuloy na sila pumasok at sumakay ng elevator. Tiningnan ko ulit ang relo, oh mag alas utso na kaya pumasok na rin ako, ibinigay ang id ko at pinapasok naman ako ng guard. Nagtanong pa ako kung aling floor yung Escala Enterprise Inc. Sinabi naman agad agad ng guard sa akin, kaya mabilis ako sumakay ng elevator. Ng makarating ako sa floor ng Escala, may nakita akong may nakapila sa may pinto kaya nagtanong kung anong pila yun.

BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.