Fifty One/ Single Father

2K 80 17
                                    

      After 3 week....

Vanessa,

      "Ate Vanessa di kana ba talaga paawat, sigurado ka na ba sa disisyon mo?...tanong ni Ikai sa akin.

     "Ikai, wala ng atrasan to. Bahala na si Batman kung anong mangyayari.."ngiti kung sabi sa kapatid ko habang nag lalagay gamit ng sa bagpack ko.

     "Will, goodluck ate, break a leg.."yakap ni Ikai sa akin.

        After ko makapag isip isip ng ilang araw, eto na  nga ako handa na akong harapin ang bagong kabanata ng buhay ko. At this time buong puso at tapang kung haharapin kahi ta basaktan ako basta maging masaya lang sya. Mga ilang minuto nagpaalam na ako sa lahat pati narin sa pamangkin ko. Hanggang sa inihatid na nga ako ni kuya sa bahay ng mga Sebastian, pinatuloy pa sya ni Mr. Sebastian pero tumanggi na sya dahil may trabaho sya. Manager si kuya ng isang sikat na food chain kaya kailangan andun na sya bago pa dumating ang ibang trabahanti. Nagpaalam sya agad sa amin hanggang tuluyan na  syang nakaalis at ako naman tuloy ng pumasok sa loob kasama si Mr. Sebastian.

    "Vanessa Im glad your back. Tatanawain kung malaking utang na loob to sayo.."masayang yakap ni Mr. Sebastian sa akin.

    "Sir gagawin ko po ang makakaya ko.."ngiting kung sabi ko.

     "Oh, please stop calling me sir.

    "Sorry po..masaya kung paumanhin.

     Nakapasok na kami sa loob ng bahay at excited akong sinalubong ni Mrs. Sebastian, sila na lang naiwan sa bahay dahil nakaalis na si Thea for her summer school. Si Rebecca at Jess naman may sari sarili condo ang mga yun, nandito lang sila tuwing dinner. Maya maya pa nakita ko si Nina papasok kaya binati ko sya agad. Excited syang lumapit sa akin at niyakap ako.

     "Dios kung bata ka, akala ko di na kita makikita muli. Namimiss kaya kita...."masayang yakap nya sa akin.

     "Salamat hu.."masaya kung sagot at yumakap na rin pabalik.

    "O sya maiwan na kita, asikasuhin ko pa si Sam at may pasok sya ng ten sa swimming class nya. At si Jacob kailangan na nya ng coffee baka gising na yun at baka nasa parvate office na  nya.."sabi ni Nina sa akin na ang lapad ng ngiti.

    Magsasalita pa sana ako ng sumingit si Mr. Sebastian sa amin.

     "Nina from now on si Vanessa na muli ang mag aalaga kay Sam.."diretsong sabi nya kay Nina.

     "Ay naku matutuwa si Sam nito, kaso si Jacob baka magalit yun. Ayaw pa naman nyang ipabanggit ang pangalan mo kapag kausap ko si Sam. O sya pasukin mo na si Sam sa kwarto nila at ihahanda ko na ang kape ni boss.."masayang sabi ni Nina sa akin at umalis na.

     Napatingin ako kay Mrs. Sebatian at hinawakan naman nya ang mga kamay ko na masayang nakangiti.

      "Don't worry he'll be fine. Come, heres the spare key of the guestroom. Kasama ni Jacob natutulog si Sam sa kwarto, ayaw nya ihiwalay sa kanya ang anak nya. Simula nung araw naibalik sa amin si Samantha halos ayaw ng pakawalan ni Jacob ang bata ."nakangiting kwento nya sa akin.

     Nagpaalam naman si Mr. Sebastian sa amin na sa library lang daw sya muna. Alam ko kinakabahan sya dahil sa walang kaalam alam si Jacob na bumalik na ako ulit. Naglakad na kami palapit sa guestroom at ng nasa may pinto na nga kami, hinawakan ulit ni Mrs. Sebastian ang mga kamay ko at masayang ngumiti. Napansin ko may halong excitement ang mga mata nya kaya napangiti na rin ako.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon