Vanessa,Lumalalim na ang gabi pero masaya pa rin ang buong resthouse ng mga Sebastian. Yung ibang mga bisita at kamag anak nila nag siuwian na at mga naiwan ay mga halos kaibigan nila Jess, Jacob at Rebecca. Nakaupo kami sa isang mahabang mesa nagkwentuhan at nag iinuman and of course kasama ang parents nila Jacob. Ikwento ulit ng mag asawa kung paano nagsimula ang love life story nila kaya tuwang tuwa kaming nakikinig at nakikipagtawan. Maya pa tumayo si Mr. Sebastian at tinawag ang isang waiter ng catering service. May inutos si Mr. Sebastain, mabilis etong pumasok sa loob ng bahay at mga ilang minuto bumalik at may dala dala naman etong pink champagne at inabot agad kay Mr. Sebastian.
" Guy's let's have a pink champagne to celebrate the good things happened to all of us at lahat ng blessing natin sa buhay. At pasalamatan ko na rin si Ms. Vanessa Torres dahil sa kanya naging masaya at masigla ulit ang pinakamamahal kung anak na si Jacob..."malakas na sabi ni Mr. Sebastian.
Nagpalakpakan ang lahat na sa akin nakatingin. Hindi ko alam kung paano mag react, sobrang akong nahiya dahil di ko akalain na pasasalamatan ako ni Mr. Sebastian sa harap ng malapit na kaibigan at kamag anak nila. Tumayo ako, nagpasalamat din at nagbigay ng matamis na ngiti sa lahat. Nakahawak naman si Jacob sa kamay ko at masaya syang nakangiti sa akin. Kahit sila Ms. Jane, Jaydon at ibang kasamahan nila sa trabaho masayang nag checheer sa akin. Maya lumapit ang ibang waiter at isa isa kaming inabutan ng champagne glass na may lamang pink champagne.
"Okay let's have some toss for Jacob and Vanessa and course sa anak kung si Jess na soon mag aasawa na. At sa lahat ng nandito ngayong gabi, let's toss for the good future ahead..."sabi ulit ni Mr. Sebastian at itinaas nya ng champagne class nya.
Nagsisigawan naman ang lahat ng "for the future" at sabay nagtoss. At sabay sabay ding uminom ang lahat at pagkatapos nagulat ako sa sunod na ginawa nila Jess at Rebecca dahil kinalimbang nila nag wine glass nila at nagsisigaw ng "kiss, kiss, kiss, kiss" hanggang sa sumunod na ang lahat kasamang mag asawang Sebastian. Sa amin silang lahat nakatingin kahit sila Ms. Jane at Jaydon ang lakas ng sigaw nila. Nagkatinginan kami ni Jacob, sobra akong nahiya, lalo pang lumakas ang sigawan at tunog ng mga wine glass "kiss, kiss, kiss, kiss......" Tumitig si Jacob sa akin kaya naman naramdaman kung nag init ang buong pisngi ko dahil sa tensyon, kaba at hiya. Never pa akong nahalikan sa harap ng maraming tao kaya di ko tuloy alam kung paano magreact sa ganitong sitwasyon. Nanigas ako ng humawak si Jacob sa jaw line ko, napapatitig ako kay Jacob na nakangiting inilapit nya sa sarili sa akin at bigla na lang akong hinalikan. Napapikit ako sa ginawa nya pero ang malala pa ng sigawan sila ulit ng "more, more,more, more" kaya mas lalo lang akong nahiya. Sa isip ko, bakit kami dapat yung mag asawang Sebastian ang gumawa nito. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng lahat at lalo lang din uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Inilapit ulit ni Jacob sarili nya sa akin hanggang sa tuluyan na nga nya akong hinalikan. Kaya tuluyan na rin akong pumikit at hinayaan si Jacob na halikan ako sa harapan ng lahat. Nagsigawan naman ang lahat ng humalik si Jacob sa akin at medyo matagal bago nya ako binitawan. Maya pa bumitaw na rin si Jacob, iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kung masayang nagkatitig si Jacob sa akin kaya napangiti na rin ako at ginulo ang buhok nya. Lumapit naman si Sam sa amin at naglalambing sa aming dalawa ni Jacob. Nagtuloy tuloy pa ang party hanggang sa inaantok na si Sam kaya nagpaalam muna ako para patulugin sya. Sa guestroom sa baba pinatulog ko si Sam kung saan doon din matutulog si Jacob. Tinabihan ko muna si Sam bago ako lalabas, habang pinapatulog ko si Sam nakayakap ko sa kanya. Iniisip ko ang lahat na nangyari kanina sa gazebo at yung mga halik ni Jacob. Bigla akong kinilig sa lahat ng nangyari sa amin ni Jacob. Ako na yata ang pinakamasayang babae ngayon kaya napayakap ako nag mahigpit kay Sam na natutulog na. Habang nakayakap ako kay Sam hindi ko namalayan na pati pala ako nakatulog na rin. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, naalimpungatan ako dahil sa isang kakaibang panaginip. Nakita ko si Jacob nakahiga sa sopa na may kasamang napakacute na batang lalaki. Pareho pa silang nakatitig sa akin at ang ganda ng mga ngiti nilang dalawa. Then lumapit ako kanila at pinahahalikan ang baby. Sa isip isip ko, sino ang batang yun? simpli akong napangiti dahil naisip ko, "sya kaya ang magiging future baby namin?. Maya maya pa may nararamdaman ako parang may yumakap sa akin kaya mabilis kung iminulat ang mga mata ko, umikot ang paningin ko sa buong paligid. Nasa kwarto pa pala ako ni Jacob, ng tumingin ako left side ko laking gulat ko na lang ng makita ko si Jacob na ang katabi ko at nakayakap pa sa akin. Sa isip ko, bakit ako nakatulog dito at bakit si Jacob na ang katabi ko asan si Sam? Dahan dahan akong kumilos tiningnan ko pa ang sarili ko. Buti naman nakasuot pa rin ako ng dress na suot ko kagabi "Vanessa ano ba iniisip mo? tanong ko sarili ko. Napailing na lang ako at mabilis na kumilos para hanapin si Sam pero gumalaw si Jacob at lalo lang akong niyakap. Napatingin ako sa kanya, tinitigan ko sya ng matagal, maingat kung tinanggal ang kamay nya pero parang lalo lang humigpit ang pagkayakap nya. Napangiti na lang ako at tinitigan sya ulit, sobrang gwapo nya at piling ko lagi na lang sya nakangiti, ibang iba na ang aura ng mukha nya ngayon. He look calm, happy and contented, i gentle touch his pointed nose and planted a quick kiss on it.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.