Twenty Nine/Single Father

1.7K 41 1
                                    


Vanessa,

      Papasok na ako sa loob ng building, nakipagsabayan ako sa mga taong sumasakay ng elevator. Pasara na ang elevator pero bigla etong bumukas ulit then nanlaki mata ko sa babaing pumasok. " Pucha! sa dami ng babaing makasabay ikaw pa" si Ms. Vivian ang babaing sumakay. Nagkatinginan pa kami, maya pa nga magsara ang pinto ng elevetor. Laking gulat ko sa ginawa nya. Inabot nya ang bag nya sa akin at sabi,

    " Can you carry my bag.."sabi nya at di man lang nag please.

     Sa loob loob ko, "excuse me! hindi ako katulong o alalay mo para pagbuhatin ng bag mo. Napatingin naman ang mga kasabay namin sa elevator.

    "Okay po Maam.."sabi ko na lang at inabot ang bag nya.

    "Good.."sabi nya ulit at parang nakataas ang kilay nya.

     Sa oras na nato gusto ko ng sumabog sa inis, gusto kung ihampas sa kanya ang bag nya. "Vanessa, hingang malalim" sabi ko sarili ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nagtutuloy ng umakyat ang elevator, sa totoo lang gusto ko ng lumabas ng elevator at wag ng tumuloy sa opisina ni Jacob dahil alam kung magiging awkward lang ang sitwasyon. Maya pa nasa 10th floor na kami kung saan ang opisina ng company ni Jacob. Naunang lumabas si Vivian sa akin at naglakad patungong opisina ni Jacob nakasunod naman ako. Dahil mag 9am na alam ko nakapasok na lahat ang impleyado ni Jacob. Nakatayo lang sya sa harapan ng pinto at hinintay nya akong pumindot ng doorbell. Sa loob loob ko naman, hello! wala kabang kamay pati pag pindot ng doorbell ako pa talaga. Sumusubra kana ah"..inis na pinindot ko ang doorbell. Bumukas naman agad eto at si Jaydon ang nabungaran ko, babatiin sana nya ako ng nakita nya si Ms. Vivian na nakatayo sa gilid kaya  binati nya Ms Vivian imbis na ako. Naintindihan ko naman, sino ba naman ako,

    "Good morning Ms. Vivian.."ngiting bati ni Jaydon.

     Nilagpasan lang sya ni Ms. Vivian, kaya napatingin si Jaydon sa akin at tumaas ang kilay. Ngumiti ako sa kanya pero sa bag kung bitbit nakatitig si Jaydon. Tinitigan nya ako at nagpout ng labi nya tinuturo ang bag na bitbit ko. Pasimpli kung tinuro si Ms. Vivian, kaya nanlaki mata nya at napanganga sya pero mabilis nyang tinakpan ang bibig nya. Napailing iling sya at nag sad face pa,

     "Okay lang.."sabi ko na walang boses na lumabas sa bibig ko.

    "No.."sagot nya na walang boses ding lumabas sa bibig nya at tinitigan ako ulit.

     Pumasok na ako, nakatingin sa aming lahat ang mga impleyado ni Jacob at kahit Ms. Jane nagulat din. Dali dali syang lumapit sa amin at si Ms. Vivian ang inintertain nya. Tumingin lang si Ms. Jane sa akin at simpling ngumiti, napangiti na rin ako sa kanya.

    "Jane, si Jacob.."sabay tanong nya kay Jane.

     "Ms. Vivian nasa loob po ng private office nya.."sagot kaagad ni Jane sa kanya.

     Tumingin si Vivian sa akin at nag snap ng finger nya kaya lahat napatingin sa kanya.

     "You, give me my bag.."sabi nya sa akin, inabot ko naman agad. Dali dali syang nag naglakad patungo sa private office ni Jacob.

     Sa totoo lang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Dahil kung tratuhin nya ako para akong alila nya. Nakita kung sumunod agad si Ms. Jane sa kanya then si Jaydon biglang nagsalita sa likuran ko.

     "Wow! taray akala mo asawa. Ex lang naman.."inis na sabi ni Jaydon.

    Tumingin na lang ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at bumati sa akin.

Single FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon