Vanessa,Pagkatapos ng masayang almusal, nagpaalam na si Jacob dahil nagsidatingan na sila Ms. Jane at sir John. Ako naman sasamahan sana si Sam para makapag shower sya pero pinatawag ako ng mag asawa at pinapunta sa library nila. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin nila sa akin. Mabilis akong nagtungo sa library ng nasa may pinto na ako kaagad akong kumatok. Pinagbuksan naman agad ako ni Rebecca na piling ko umabot ng bubunnan ang ngiti nya sa akin.
"Come in.."excited na sabi nya at pinapasok ako.
Pagkapasok ko kitang kita ko mga mata nilang apat na nakatitig sa akin na sobrang saya dahil sa nangyari kanina. Pinaupo agad nila ako sa couch at masaya silang apat na nakatingin na lang sa akin. Kaya naman napapangiti na rin ako, ang sarap nilang tingnan dahil ang saya ng mga mukha nila.
"Vanessa anak, nagpapasalamat kami sayo. Dahil sa nangyari kanina, akala namin hindi na namin makakasabay sa hapag kainan si Jacob.."maluha luhang pasalamat ni Mrs. Sebastian sa akin.
"Grabi ate sobrang nakakatuwa. Ano bang ginawa mo at napa oo mo sya na sumabay ng kumain .."masaya ding sabi ni Thea.
"Wala naman, sya mismo ang nagsabi kay Ivan na sa dinning room sya kakain..."nakangiti kung sagot.
"Pero ikaw pa rin ang dahilan nun. Sana tuloy tuloy na maging maayos ang lahat at sana mauupisahan na ang physical theraphy para makalakad na sya ulit.."masayang sabi din ni Rebecca na sumandal sa balikat ko.
Sana nga tuloy tuloy na gusto gusto na makita yung mga ngiti ni Jacob na punong puno ng pagmamahal. Maya pa may sinabi sila sa akin about sa 25th wedding anniversary ni Mr. and Mrs. Sebastian. May renewal of vows na mangyayari at gaganapin eto sa susunod na dalawang linggo. At sa resthouse magaganap ang renewal of vows na sinabi nila.
"Congrats po sa inyo..."masayang bati ko sa mag asawa.
"I wish iha, you and Jacob ang susunod na maglalakad sa altar.."diretsong sabi ni Mr. Sebastian sa akin.
"Huh!...napanganga ako sa sinabi nya.
"Sana magiging okay na ang lahat sa inyo ni Jacob. I want to see more apo running around this house and of course sana rin si Jessica mag aasawa na.."singit din naman ni Mrs. Sebastian sabay nyang hinawakan ang kamay nya.
Pilit akong ngumiti sa kanila dahil ang totoo walang kasiguraduhan ang tungkol sa aming dalawa ni Jacob. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang bang ibalik lahat ang dati kung anong mayron kami ni Jacob noon. Pasimpli akong napabuntong hininga at kunwaring natutuwa sa mga sinasabi nila. Maya pa bumalik ang usapan tungkol wedding anniversary ng mag asawang Sebastian. Excited si Rebecca dahil sa magaganap na renewal of vows pati na rin si Thea dahil sila mismo . Maya pa natapos ang usapan masaya kaming lumabas ni Rebecca sa library, ng nasa hallway na kami.
"Vanessa can i talk to for a sec..."pakiusap nya.
"Sure..
"Kasi we want you to be part of that renewal vows. I'm sure matutuwa si Mama kaya naisip namin na kunin kang isa sa mga brides maid nila Mama. Along with Thea and me, okay lang ba sayo..."nakangiti nya sabi at hinawakan ang mga kamay ko.
"Ah, eh, sure okay lang naman.
Thank you Van. And I'm pretty sure matutuwa din si Kuya nito.."masayang yakap ni Rebecca sa akin.
Masaya din akong yumakap sa kanya, after namin nagyakapan nagpaalam na sya dahil may pasok pa sya sa trabaho nya. Nagpaalam na rin ako at pumasok sa kwarto ni Sam. Wala akong Sam na naabutan kaya naman pumasok ako sa guestroom. Nakita ko si Jacob nakaupo sa dulo ng kama at sinusubukan nyang mag lagay ng medyas pero di nya magawa gawa. Kaya naman mabilis akong lumapit at inagaw sa kanya ang medyas nya. Napatingin sya sa akin, lumuhod naman ako sa harap nya para tulungan syang ipasok ang medyas sa paa nya.
BINABASA MO ANG
Single Father
Narrativa generaleStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.