Back to Pinas
Vanessa,
Lumapag ang eroplanong sinakyan namin galing sa Germany. Masaya kaming lahat na bumaba sa eroplano, kahit si baby Sam para di nakaramdam pagod sa haba ng oras ng byahe. Si Jacob naman parang ang napakahyper hindi ko alam kung dahil sa kape na inom nya sa eroplano kanina o baka hyper dahil sa nangyayari sa kanya. Napapailing at napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sya na nakikipagkulitan sa anak nya habang naghihintay kami ng sundo namin. Habang masaya akong pinagmamasda ang mag ama, may naisip na lang ako bigla. "Kapag ba nag kaanak kami ganyan kaya sya sa magiging anak namin? "Sana nga" pasimpli kong sabi.
"Did you say something?..bigla tanong ni Jacob.
Naglaho ang kakaiba kung iniisip at napatingin ako kay Jacob. Pasimpli akong umiiling sabay kunwari hila ng bag ko.
"Whatever it is, i say yes.." nakangiti nyang sagot.
Panganga ako sa sinabi nya at tinitigan sya, shoimai! nasaba nya ba ang iniisip ko. "Vanessa tumigil ka nga hindi kayo aabot sa level na yun kaya wag kang advance mag isip" pinagalitan ko ang sarili ko. Maya pa dumating na ang sundo namin ang family driver nila Jacob. Tinawag naman kami ni Ms. Jane at lumapit pabalik sa amin para tulungan kami sa mga dala dala naming bagahe. Inabot ni Jacob si Sam sa akin at pinauna nya ako ng pasok sa sasakyan. Mga ilang minuto nasa byahe na kami on the way sa condo nya. Ang dami ko ng iniisip, dahil na iba ang sitwasyon namin ngayon ni Jacob. May mutual understanding kami tapos iisang bahay pa kami ng tutuluyan. Nakakatakot at nakakanerbyos okay lang sana kung kasama ko si Manang wala ng problema pero hindi eh. Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko,
"Wow ang lalim ng buntong hininga natin. Anong mayron?.."tanong ni Ms. Jane ng mapansin nya akong bumuntong hininga.
"Wala napabuntong hininga lang.."sagot ko na kay Sam tumingin.
"Hay..ang sarap ng vacation natin este trabaho pala.."sabi ulit ni Ms. Jane at kay Jacob naman tumingin na nasa front seat nakaupo.
"Ikaw ba Vanessa nag enjoy ha?..at sa akin naman sya tumingin.
"Uhum..simpling sagot at kay Jacob napatingin.
Tumingin sya sa front mirror at nagsalita, "Hindi lang yan lang ang una at huli. Maraming pa tayong pupuntahan" masayang nakatingin si Jacob sa akin.
"Yan ang gusto ko sa'yo boss eh...masaya din na sagot ni Ms. Jane.
"Hindi ka kasali doon. Si Van lang ang isasama ko.."diretsong sabi nya kay Ms. Jane.
"Sige, ganyan kayo, ng iiwan kayo ng buhay. Bahala kayo di kayo magkaka.."putol nya sa sasabihin ng sabay pa kaming ni Jacob sawayin si Ms. Jane.
"Joke lang, panic kayo agad.."tawang sabi nya sa amin.
Sa isip ko, si Ms. Jane napakadaldal talaga ng babaing to. Napailing ako at kay Sam na lang kunwaring tumingin tahimik na rin si Jacob. Tuloy tuloy ang byahe namin hanggang sa maibaba na namin si Ms. Jane sa lugar nila. Inanyayahin pa nya kaming tumuloy sa bahay nila kaso tumanggi na si Jacob at si Sam bumabagsak na ang mata dahil sa antok. Sa wakas napagod din ang bata, kanina ang hyper hyper nya. Nakaalis na kami sa lugar ni Ms. Jane at patungo na kami sa condo. Tahimik lang akong nakamasid sa labas at inienjoy ang bawat madadaan namin. Pero ang totoo kinakabahan ako dahil nga sa iisang bahay lang ang tutuluyan namin ni Jacob. Ng biglang ng vibrate ang cellphone kaya dali dali kung dinukot sa bulsa ko. Ng makuha kuna binukasan ko agad at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin. Napangiti ako sa nakita ko dahil galing lang pala kay Jacob. Tumingin ako sa front mirror at ganun din si Jacob, he simply smile.
BINABASA MO ANG
Single Father
Ficțiune generalăStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.