Vanessa,
Nasa may pinto na ako ng private office ng may tumili galing sa likuran ko. Akala ko kung ano ng nangyayari kaya napatalon ako sa gulat pati kaluluwa ko yata lumayas sa katawan ko.
"Vanessa...sabi ko na nga ba eh. Di mo talaga iwanan ang boss ko..."masayang sabi ni Ms. Jane ng makalapit sya sa akin.
"Ms. Jane naman atakihin ako sayo sa puso. Bakit ka ba tumitili? Ano bang mayron? Muntik ng mabuhos ang kape dahil sa pagtili mo.
"Wala lang, masaya lang ako. Kasi dito kana ulit at masaya naman ang buhay buhay namin.."excited nyang sabi at lumagpas yata ng bubungan ang ngiti nya.
"Akala ko naman kung ano na. O sya ikaw na magpasok nitong kape ni sir John.."sabay abot ko sa kanya ng tray.
"Bakit ayaw mo pumasok ?..."nagtatakang tanong ni Ms. Jacob.
" Di na muna, kutang kuta na ako sa kasungitan ni Jacob sa akin. Baka mamaya eh palayasin na ako nun..."malungkot kung sabi.
"Ganun ba, pagsensyahan mo na lang. O akin na ako na lang magbigay, hindi mo din trabaho to.."ngiting sabi ni Ms. Jane.
Inabot ko na sa kanya ang tray at nagtuloy tuloy na syang pumasok sa loob ng private office ng mga Sebastian. Nagmadali akong bumalik sa kusina, mga maid lang ang inabutan ko. Tinanong ko pa sila kung nasaan si Mrs. Sebastian ang sabi nila nasa itaas. Lumabas na lang ako ng kusina at nagtungo sa guestroom para kunin ang bagpack kung dala para kukunin ang sketchpad ko. Oo nagtatrabaho pa din ako, kahit di na ako bubalik ng France. Ng makuha ko ang sketchpad ko nagmadali akong lumabas sa may mini garden ng guestroom total naman wala pa si Jacob kaya dito muna ako magtatambay. Nakalabas na ako ng lanai at bumaba sa may garden. Naupo ako sa may bench kaharap sa may maliit na man made water falls. Ang sarap pakinggan ng tunog ng nagbabagsakang tubig nakakarelax. Kaya pala gustong gusto ni Jacob dito. Maya maya pa inumpisahan ko ang pag iisketch pero bakit parang wala akong naiisip. Si Jacob ang laman ng buong isip, "hai!...kakainis, Vanessa kalimutan mo muna sya" sabi ko sarili ko. Pero di ko talaga mapigilan ang isip sya. Tinuloy ko parin ang ginagawa ko pero naka tatlong punit na ako ng sketchpad dahil piling ko mali ang ginawa ko. Kaya huminto.muna ako at tumayo naglakad malapit sa may water falls at tumingin sa may tubig. May napansin akong maliliit na isda kaya naman naaliw ako sa kakatingin. May nakita ako sa gilid na fish food kaya dali dali kung kinuha at pinakain ang mga isa. Tuwang tuwa ako sa ginagawa ko kaya di ko napansin na may pumasok.
"Uhum..anong ginagawa mo dito? This is my private place, ilang beses ko bang sabihin sayo na bawal kang pumasok dito kung wala akong pahintulot.."galit na sabi galing sa likuran ko.
Napaitlag ako at mabilis na lumingon, si Jacob mag isa sa may lania at naiinis na katitig sa akin.
"Jacob! ah, i mean sir Jacob.."gulat kung sabi.
"Lumabas kana bago pa kita sisantihin sa trabaho mo.
"Sorry sir, di na po mauulit. Ang sarap kasi magtambay dito ang sarap pakinggan ng tunog ng bumabagsak na tubig at yung isda tuwang tuwa dahil binigyan ko sila ng pagkain.."nakangiti kung sagot sa kanya.
"What! pinakain mo ang mga isda. Tapos ko na pinakain yan paano kung mamatay yan sila sa kabusugan. Vanessa, i mean Ms. Torres bakit ba nakikialam ka para kang si Samantha.."singhal nyang sabi at nagmadaling nagpatakbo ng wheel chair nyang pababa sa garden.
Ako naman parang dinuduyan ang puso sa saya dahil sa tinawag nya akong Vanessa after two years narinig ko kulit na tinawag ako ni Jacob. Ng makalapit na sya sa akin, lalo ko pang nilaparan ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Single Father
Ficción GeneralStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.