Vanessa,
Shity! ano bang nangyayari sa aming dalawa para may kung ano ano nangyayari sa amin na di ko naiintindihan. Wala pa akong 24 hours sa tahanan nya pero kung ano ano nangyayari sa aming dalawa. Hindi na talaga tama to, ano kaya kung aalis na ako ng maaga. Baka kasi pag pinagpatuloy ko to, baka di ko mapigilan sarili ko at sigurado na akong mahuhulog na ako sa kanya. Siguro bayaran ko na lang yung utang kung pinambayad nya sa hospital tapos alis na ako, "tama yun ang gagawin ko". Habang nag iisip ako panay naman titig ni Sam sa akin,
"Siguro nagtataka ka bakit may ganito sa noo ko no. Ask mo kaya si Daddy mo sya may kakagawan sa akin nito. Hay naku, kung di lang gwapo at mabait si Daddy mo nagalit na ako sa kanya."sabi ko pa kay Sam at nag sad face pa.
"Sorry na, di ko talaga sinasadya.."sabi nya na nasa likuran ko na pala.
Ohshit! halos di ako makalingon dahil alam ko narinig nya ang sinabi kung gwapo sya at mabait."Vanessa, Vanessa boking kana" nag aalang sabi ng utak ko. Halos di ako makahinga sa kaba ng pumwesto si sir Jacob sa harapan ko at lumuhod pumantay sa amin ni Sam. Sobra akong nahiya halos di ako makatingin sa kanya ng diretso, pansin ko lang din kasi kahit di sya nakangiti ang labi nya pero yung mga mata naman nya ang nakangiti. Maya pa inilagay nya yung hawak nyang icepack sa noo ko, "shit! ang lamig at medyo kumirot ang bukol ko sa noo kaya napangiwi ako.
"Sir Jacob ako na po.."sabi ko para makaiwas sa mga titig nya. Sabay hawak ko sa icepack pero kamay nya ang nahawakan ko, dali dali ko namang binitawan, "shit! ang lambot ng kamay nya" sabi ng isip ko.
"Its okay, hawakan mo na lang si Sam ng maigi. Baka malaglag pa sya.."ngiting sabi nya.
"Ohgod! ayan naman yung mahiwagang ngiti nya na parang nakakalambot ng tuhod. At iwan ko ba bakit para ang lambing boses ni sir Jacob sa tuwing nagsasalita sya. O baka guniguni ko lang dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Pumikit ako dahil di ko kayang salubungin ang mga titig ni sir Jacob dahil piling ko para syang may magnet na hinihigop ang sarili ko para dumikit sa kanya at pati na rin kaluluwa ko. Kaya lang idinilat ko ang mga mata ko ng gumalaw si Sam nakitang kung nakatitig si sir Jacob sa akin. Kaya napatitig na ako ng tuluyan sa kanya kahit sya di nya tinatangal ang pagkatitig din nya sa akin. Habang nagkatitigan kami, kung ano ano ng nangyayari sa isipan ko, piling ko biglang lumiwanag ang paligid at para bang may mga sumasabog ng mga fireworks sa paligid ko. Ng bigla syang kumarap biglang namang naglaho ang mga sumasabog ng fireworks sa paligid ko, agad naman akong umiwas ng tingin at kay Sam tumingin.
"Okay ka na?...tanong nya sakin.
"Uhm..salamat.."yun lang ang nasabi ko dahil piling ko di pa bumalik ang kaluluwa ko sa sarili ko.
Tumayo na sya at inilapag ang icepack sa may center table at kinuha si Sam sa akin. Dali dali naman akong tumayo at kinuha ang icepack at mabilis nag natungo sa kusina. Habang nasa kusinan ako nagpalakad lakad ako, "bakit ganun, hindi dapat mangyari to. Vanessa wag na wag kang magkakaroon ng feeling sa kanya, boss mo sya, tandaan mo yan". Palabas na sana ako ng makita ko si sir Jacob papalapit sa akin, "Vanessa umayos ka" sabi ko ulit sa sarili ko. Ng makalapit na sila sa akin inunahan ko na sya ng tanong,
"Sir may kailangan ka?.."tanong ko agad agad.
"Sumunod ka sa study room.."sabi nya sa akin.
"Okay po.
Tinalikuran naman nila akong dalawa, dali dali naman akong sumunod. Kinakabahan pa rin ako, habang nakasunod ako sa kanila at panay naman ngiti ni Sam sa akin inaabot pa nya ang kamay nya sa akin. Sa isip ko, "Sam wag mo ako pagtatawanan alam ko mukha na akong clown" dahil nga may kunting bukol ang noo ko at namumula na ang pisngi ko sa mga nangyayari ngayon. Ng makapasok na kami pinaupo naman ako ni sir Jacob at sya naman nakatayo karga karga pa rin si Sam.
BINABASA MO ANG
Single Father
General FictionStory of a single devoted father of his one in only daughter. He will protect her whatever it's take, giving her everything, good life, happy life and etc. Even a stepmom just to make sure Samantha is happy.